Prologue

1.9K 10 10
                                    

"As a writer, can you tell us what makes a love story?"

Nag-isip muna ako sandali. Medyo mahirap sagutin ang kanyang simpleng tanong. Matapos ang ilang segundo, huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong.

"What makes a love story? Is it about how a hopeful woman gave hope to a hopeless man? Is it about how a "taklesa" girl fell in love with a boy-next-door? Is it about how a socialite lesbian made a shy gay fall for her? Should it have sweet and mushy quotable quotes? Will there be a 'kontrabida' or 'third party'? Is a love story about finding it? Or about losing it?"

Tumigil ako saglit at tiningnan ang mga kasama ko sa table na nakatingin na rin sa akin.

"Maraming bagay ang puwedeng i-consider," paliwanag ko. "But for me, there's only one thing I considered in making a love story. Inspiration."

"So, what was your inspiration in writing the movie?" Tanong ng isa pang reporter.

Tumingin ako kay Daddy, Mommy, Romeo at Racky na naroon. "My family. They were my inspiration."

"But, miss," singit naman ng isang reporter. "You also need a romantic inspiration because the movie is a love story, right?"

Akala ko, nakalusot na ako sa sagot ko kanina. Hindi pala. Hindi yata naging sapat na dahilan ang pamilya ko bilang inspirasyon ko sa pagsusulat. Pero naisip ko na hindi naman talaga iyon ang buong sagot sa kanyang tanong kaya sasagutin ko na ng direkta ang sunod na tanong niya.

"There was this guy who showed me the whats, whys and hows of being in a relationship. Sa kanya ako nakakuha at nakahugot ng inspiration para maisulat ko ang kuwentong ito."

"Nagkaroon ba kayo ng isang romantic relationship?"

Medyo napatindig ako sa upuan sa narinig kong tanong. Kumuha ako ulit ng lakas para sagutin ang kanyang tanong.

"Yes." Ngumiti ako. "Before."

"Before? So hindi na kayo?"

"Yes," matibay kong sagot.

"But did you love him?" Aba. Hindi nga tinanong kung bakit kami naghiwalay, pero tinanong naman kung minahal ko.

"Yes," sagot ko. "Minahal ko siya."

"Did he hurt you?" Kaya nga before ang sagot ko dahil sa tanong mo.

"Uhm... Yes. Parte naman iyon ng pagmamahal."

"By any chance, would you write a story about your relationship with this 'inspiration guy'?"

Napaisip ako sa kanyang tanong.

Scripted RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon