1. Merry Christmas!

181 55 159
                                        

-December 24, 2015-

"Oy Hannah yung fries matututong na nako!"

"Nasa'n na ba 'yong tagaluto natin? Haynaku cellphone nalang kaya ang lutuin?"

"Eto na ma, hehehe sorry na," sagot ko naman sa kanila. 

Hajimemashite! Ako nga pala si Hannah Mae Lireo, I'm 18 years old. Nag-aaral ako sa Hartfield College. Mahilig kumanta at makinig ng music. Adik sa RPG games. Ano pa ba? Hmm... saglit, 'yung kuya ko highblood na naman matututong na daw yung fries tss mas masarap nga kapag crispy eh. Hihi. Si mama naman ang sabi ay cellphone ko nalang daw ang lutuin, hahaha havey talaga to si mama. Ikukwento ko pa sana yung crush ko sainyo sa school pero teka muna yung niluluto ko nga pala!

"Ma pacharge ako ng phone hehe tenkyu," pakiusap ko kay mama habang papunta na ako sa kusina. Ugh fries my favorite! Every year gusto ko talaga may fries kami na handa sa Noche Buena. At syempre ako ang taga-luto! Prito lang naman eh hehe pero hindi talaga ako marunong magluto, yung luto na totoo talaga ah? Alangan fake jusko utak ko talaga, pero gets niyo na yun, yung mga lutong bahay di ako marunong. Christmas break namin ngayon at 3 hours nalang Pasko na!

Kinuha ko na ang tong at nagsimula nang iahon ang mga niluluto kong fries. Sanay naman na ko kaya hindi na ko napapaso kahit minsan ay natatalsikan ng mantika. Gumawa na'rin ako ng sauce ng fries, which is pinaghalong mayonnaise and pickles.

After 45 minutes natapos din ako magluto-- or magprito sige na nga magprito na lang masyadong feeling yung magluto eh haha! Balik cellphone na uli ako yey! Ano nga bang ginagawa ko sa cellphone? Ano pa ba? Edi naglalaro ng Choices, interactive game siya at pwede kang gumawa ng sarili mong lovestory hahaha basta may mga choices na pipiliin kung anong gagawin mo sa isang situation. Pero hindi lang love story ang nandun dahil meron ding fiction, adventure, o kaya fantasy. Favorite game ko yun ever hihi.

Anyway balik tayo sa crush ko, hays ang gwapo talaga ng lalaking 'yun tapos ang galing pa magviolin. Ang bait pa super! Pa'no ko nalaman? Hmm kaklase ko lang naman siya sa isang major subject namin, Principles of Management. Tapos nakatabi ko pa siya! Chos lang hindi po joke lang yun edi ang saya ko na kung nakatabi ko sya.

Pero nakasalubong ko siya nung first day namin dati, paglabas nya ng CR ng boys ay pababa ako ng hagdan. Magkatabi lang yung CR tsaka hagdan paakyat ng fourth floor, at nagulat nalang ako kasi biglang may kumausap sakin. 

"Uy! Classmate ka namin sa POM diba?" 

Gulat na gulat ako nun kasi bukod sa wala naman masyadong kumakausap sakin sa section nila, may pagka-mahiyain talaga ako 'pag di ko kakilala. 

"Uy oo! Hehe natandaan mo pala ko? Sige bye!"

Kumaripas nalang ako ng takbo dahil isang gwapong nilalang ba naman ang nakapansin sa akin. At magmula nga no'n ay naging crush ko na siya. Masyado bang mababaw? Hahaha well, ganyan ako eh, mababaw lang akong tao at madaling humanga sa iba. Pero basta iba talaga ang dating nya promise.

Habang naglalaro ako, napagpasyahan ko nang magpost na ng Merry Christmas sa wall ko dahil mamaya matatabunan na'din naman 'yung post ko.

Merry Christmas everyone! God bless!
Like              Comment

Ayan nai-post ko na. At syempre gagawin ko din ang tradisyon ko tuwing Pasko. Mag-uunli na'rin ako nang makapagsend ng Group Message na bati mamayang 12 midnight.

Bumalik na ako sa paglalaro. The Royal Romance ang nilalaro ko ngayon, kwento siya ng isang waitress na biglang nagkaroon ng oportunidad na maging potential suitor ng isang prinsipe. Aliw na aliw ako sa paglalaro dahil iniimagine ko ang sarili ko bilang protagonist sa kwentong binabasa ko, nang may bigla nalang mag pop-up sa chat!

Merry Christmas Hannah! Tanda mo pa 'ko?

***
A/N: Sino kaya ang nagchat kay Hannah? Si violinist crushie na kaya niya?
Anyways, first story ko po to. Try lang hehehe. Sana basahin niyo, maganda to pramis! Hahahaha maibenta lang. Lolsjk medyo true story po kasi sya na hinaluan ng imagination sa bandang dulo. hehehe. Okiee happy reading!

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon