HANNAH'S POV
"NATHAN!" , sigaw ko sakanya. Paalis na pala siya.
"Sorry, ang tagal ko. Hinintay ko pa kasing makasakay si Angela. Tsaka nagkaproblema sa OJT, may inayos lang kami ni Mark"
"Hinintay makasakay? Alam kong kaibigan mo yun pero di mo ba naisip na naghihintay din ako? Tsaka OJT? Sh*t yang Mark na yan na naman ang kasama mo!"
"Uyy Nathan wag ka na magselos, wala naman talagang meron samin eh. Nagkataon lang talaga na sa pinag-applyan kong company na pala siya nag oojt. Nauna siya bago ako. "
"Pero di mo ba ko naiintindihan? Crush mo yun eh, kahit pa sabihin nating dati pa yun, crush mo padin yun. Hindi imposibleng magustuhan mo uli yang lalaking yan. Hindi mo maaalis sakin ang magselos Hannah Mae."
"S-s-sorry. Bati na tayo please? Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Wala. May magagawa pa ba? Anjan na yan. Ayoko lang na maging close ka sakanya. "
"Pero imposible yun, kasi siya lang naman kakilala ko sa office. Sabay kami lagi kumakain at umuuwi."
"Tss ano pa nga bang magagawa ko, kung pwede lang kitang ihatid sundo araw araw gagawin ko, kaso nagtitipid din naman ako. Tsaka busy pa kami sa school."
"Soooo bati na tayo? Hehehe"
"Tsss. Lumapit ka muna dito"
Lumapit naman ako sakanya sabay kiniss niya ko sa lips. Smack lang naman. Hahaha minsan may pagka-perv din tong si Nathan eh. Di pala minsan, madalas pala hahaha. At ayun nga nagbati na din kami hay salamat. Di ko alam gagawin kung di ako papansin nito eh.
"Nakalimutan mong mag goodnight kagabi -_-", pagmamaktol ko sakanya.
"Ah sorry na hinika kasi si Ally eh di namin alam gagawin binantayan namin hanggang sa makatulog na din ako."
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...
