Hannah's POV
Kinabukasan, chineck ko agad phone ko baka namalikmata lang ako sa nakita kong notif kagabi...
*scroll scroll*
Waaahhhh! Omg!!! Inaccept talaga niya ko! Jusko ang sarap talaga sa feeling magkacrush! Lalo na friends na kayo, literally sa facebook. Hayss. Kaso di rin naman ako mapapansin nito. Famous eh myembro ng Himig Tugtugan, banda sa Hartfield College, school namin. Violinist siya dun. Madalas ko makasalubong sa school na may bitbit na violin eh.
Bumangon na ko at deretso laptop na uli sa sala. Itutuloy ko yung witcher 3, ang ganda eh. Sana may laptop din ako para makalaro ako neto sa Marikina...
"Hoy anong oras ka na naman natulog sabing masama magpuyat eh", si mama.
"Secret hehe ganda nung nilalaro ko eh tsaka pasko naman"
Sabay labas sa kwarto ng pinsan kong mapang-asar...
"Eh bakit mukang kinikilig ka nung pumasok ka sa kwarto niyo?"
"Weh bawal bang magngingiti bago matulog dahil masaya ang pasko?"
"Sus kita ko pa may kachat ka kagabi eh."
"Luh palagi naman akong may kachat ah?"
"Eh bat iba yung ngiti mo pagtapos mo maglaro ng witcher?"
"Ah bahala ka jan kuya inggit ka lang kasi ako masaya!"
"Yiee baka kachat mo yung crush mo"
"Omg kuya friend ko na syaaa! Inaccept niya ko kagabi!"
"Yun naman pala eh! So kachat mo nga?"
"Hindi. Classmate ko nung grade six yung kachat ko, nangamusta tapos ayun di na kami naubusan ng topic"
"Ahh kala ko yung crush mo e tara kain na nga"
Tahimik lang si mama nakikinig samin. Naku narinig nya yung tungkol sa crush ko nakakahiya di pa naman ako nag oopen kay mama tungkol sa love life. Anyways, NBSB po ako. Pero pag nagkacrush ako matindi, alam ng pinsan ko yan. Mas close ako sa pinsan ko kesa sa kuya Jacob ko, ewan ko kung bakit, masungit kasi yon eh! Hahaha.
Kumain na kami ng tanghalian. Past 11 na kasi ako nagising. Pano ba naman halos 3 am na ata ako natulog kagabi. Pagkakita ko nung pag-accept ni Mark sakin kagabi, tinigil ko na agad paglalaro ko. Di ko narin nareplyan si Nathan. Deretso higa ako sa kama habang kinikilig. Puro pag iimagine lang naman ng mga scenario ang ginawa ko bago makatulog. Hobby ko yun eh, mag-imagine hahahaha.
Replyan ko na nga muna mga kachat ko... yung tropa ko ang ingay na naman sa gc nag aasaran kesyo magbbreak din daw si Carla at Charles if i know inggit lang yang mga yan sa bestfriend ko. Pati ako kinikilig sa kanila. Mula second year high school ba naman hanggang 1st year college naging sila. Hindi na sila ngayon dahil daw focus muna sa studies magkaiba kasi sila ng course pero kung umakting sila parang sila parin.
Si Carla naman kinakamusta ako inadd ko na daw ba crush ko, ichat ko na daw, kesyo may ikkwento din daw sya. Kita daw kami bago magpasukan. Okay, feel ko tungkol to sa boyfriend nya. Chos ex pala. Lols haha Ano kaya kwento nito?
Nireplyan ko na si Nathan nagsorry ako kunwari nakatulog na ko kagabi pero kinikilig lang talaga ako kay Mark kaya di ko na siya nareplyan. Tsaka sabi ko naloka ako sa pagtawag niya ng bulilit sakin. Tinawanan ba naman ako ng bongga.
N: hahhahaha eh una ka naman talaga palagi sa pila dati eh
H: oo na asar to, atleast tanggap ko noh
N: sorry na haha, hmm sino sa mga kaklase natin ang pinaka namimiss mo na?
H: hmmm lahat chos, si jane tsaka si cha-cha sila lang naman palagi ko kasama dati eh. Ikaw?
N: ako? si Erick, si Jordan, tsaka si... ikaw.
O.o whaaaaat? >///< OMGGGGGG so totoo nga na crush niya ko dati??? Hindi kami pinagttripan lang? Hala ano irereply ko dito para di awkward?
***
A/N: crush pala siya talaga ni Nathan eh. Hmm siya kaya anong tingin niya kay Nathan dati? Anyways sana may magbasa po netong story ko. Medyo kwela siya tsaka nakakakilig din naman, siguro? Hahahaha ayun thank you po sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Ficção AdolescenteSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...