23. Happy Birthday!

43 23 50
                                        

HANNAH'S POV

~~~Wahhhh birthday na niya bukas. >,< Gusto ko siyang sabihan ng i love you pero yung hindi pa magiging kami. Pano ko kaya gagawin yun? XD Ahh diary tulungan mo ko!!! Kinikilig parin ako sa forehead kiss niya kahapon kahit feeling ko inamoy lang niya yung buhok ko wahahaha :)))) Mukang di naman kami nahuli ni tita buti nalang hehe~~~

Hays buti nalang talaga nauso ang diary. Di ko na macontain yung kilig ko whoooooo!

N: san tayo bukas Mae?

H: tara sa Lilac madaming kainan daw dun!

Kinabukasan, di ko naman expected na puro mamahalin pala yung kainan sa Lilac. Huhu sorry na. Pasok, labas , pasok, labas lang kami sa mga restaurant dun. Ako din yung nagyayaya lumabas pagkatapos tumingin sa menu nila. Alam ko kasi na hindi naman mayaman si Nathan. In fact, nagtitipid pa nga siya kasi pinagkakasya niya yung allowance niya sa panlaro niya tsaka pangdate sakin. Ayoko din naman ng ginagastusan ako pero birthday niya kaya nagvolunteer siya na manlibre.

Ikot lang kami ng ikot hanggang sa sa mcdo lang naman pala kami mapapadpad hahaha. Eto pinakamura na masarap para sakin eh! Hahaha! Kumain na kami pagkatapos tumambay na kami sa parang park katapat ng Circle Mall.

Nagselfie kami sa mga estatwa ng kalabaw dun. Binuhat niya pa ko para makasakay dun sa kalabaw haha tapos nagvandal pa kami sa may pader sa may maliit na bridge dun. Sinulat niya "HanThan was here". Awww cute naman ng couple name namin HanThan hehehe.

Tumambay lang kami dun sa playground sa may park. Umupo ako sa may swing tapos sya sa kabila. Nagdecide na ko, kelangan masabi ko to sakanya ngayon. Pero pano? Ughhhhh!!!

NATHAN'S POV

Andito kami ngayon ni Mae, nagsswing sa playground. Kanina pa siya parang balisa. Ang tahimik niya nakakapanibago. May problema kaya to?

"Uy okay ka lang?", tanong ko.

"Huh? Ah oo hehehe"

"Bakit parang di ka mapakali jan?"

"Ahmm ano kasi... may sasabihin ako"

"Ano yun? Sabihin mo na"

"..."

"Ano ba yun?"

"Ah wala wag na nga lang hahaha"

"Tss ano ba yun, sabihin mo na kasi"

Parang ewan naman to sabi niya may sasabihin tapos biglang babawiin. Nakakaloko din tong babaeng to eh. Ano kayang gusto niyang sabihin?

"Ahmm ano kasi... gagawa ako ng exception"

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon