13. January 26

61 37 111
                                    

HANNAH'S POV

Inadd ko siya sa group chat naming tropa hahaha wala lang trip ko lang, gusto daw siya makilala ng tropa ko eh. Pero nahiya siya sabi niya ikick ko nalang daw siya, ayun inalis ko din siya sa group haha.

Si Carla okay lang sa kanya si Nathan kaso baka nga daw masaktan lang ako mag-ingat daw ako. Si Angela sabi pinapaasa lang daw ako neto wala daw forever hahaha buti pa si Rian kinikilig sakin, magtiwala lang daw ako haha. Si Charles parang si Angela inaasar ako wag na daw ako umasa.

Sa ilang days din na nagkachat kami, tinataboy niya ako. Di naman sa tinataboy, pero pinipilit niya na hindi daw deserve ng tulad ko ang isang tulad lang niya. Ewan ko basta nagddrama siya haha. Anyway balik sa normal routine namin, chats or text everyday mula umaga hanggang gabi.

Nagpost ako ng status sa fb..

All will be well soon.

Nagchat naman siya. Tungkol sakanya daw ba yung status ko. Ayaw daw niya ko masaktan. Humingi daw siya ng time sakin pero wag daw ako mag-expect, kasi sya din daw hindi.

Hanggang sa eto na nga January 26 na, finallyyy ititigil ko nadin tong kahibangan ko. Kahit papano umaasa padin ako na magising na siya sa pagpapakamartyr niya kay Arianna. Pero kung wala talaga, edi wala. Kasalanan ko ba na nahulog ako?

Anyway, eto na nga magkachat kami...

N: replyan ko lang si Arianna ha.

H: sige lang go lang

...

...

N: mae, tumigil na ko :)

H: ha?saan naman?

N: kay Arianna...kausap ko siya ngayon sabi ko titigil na ko, di ko na siya guguluhin

H: WHAAAAAATTTTT?ANONG SABI NIYA??

N: yep hahaha ;) sabi niya okay lang daw, buti narealize ko daw agad.

H: omg totoo ba to? Hahahhahahaha

N: Ang mahalaga, sasaluhin na kita ;) Salamat sa di pagsuko ha... My turn naman para di ka sukuan mae.

H: aywehhh is this real? Anong nakain mo? Hahahahahha

N: Mae, sorry sa mga tanggi tanggi effect chu chu hahaha. Iniiwasan ko lang kasi lalo mainlove sayo nun e

H: omg ka wag ka ngang ganyan baka himatayin ako dito hahahaha

N: Di ako makapaniwala
Crush ko nung grade 6 ❤️❤️

H: aww nathan kinikilig ako nakakainis ka hahaha kaso nakakahiya sa mga kaibigan mo kasi mas kilala nila si Arianna.

N: bat ko ikahihiya yung taong mahal ko? :3 Yung taong nagparealize sakin na may iba pa diyan na nagmamahal sakin

H: asdfghjkl ka hahaha di ko alam irereply ko

N: hahaha good Night na mae
I love you! Hahaha pwede na ba sabihin yan? Hahaha

H: lol magtigil ka jan wag ako hahaha masyado pang maaga

N: di ako matutulog hangga't di mo sinasabi yun haha

H: aba wag ako ginaganyan mo ha nako

N: hahaha joke lang sige na nga sorry na
I love you ❤️ Salamat ❤️❤️❤️
'Night na talaga kasi kukunin na ni ne yung ipad
P.s I love you

~~~ HAPPIEST DAY EVAAAAHHH! Jusko hihimatayin na talaga ata ako sa mga linyahan niya!!! Ilang beses ba namang nag-i love you, lakas makapagpakilig XD but i'm happy tho. He chose me over Arianna :) magdadate ata kami sa sabado OMG magpapaalam ba ko kay mama at papa??XD~~~

Anong gagawin ko waaaahhh kinikilig akoooo!!! Napasulat ako ng de oras sa mobile diary ko!! Shems totoo ba to? Si Nathan umamin na sakin finally? Pinili niya ko over Arianna? Sasaluhin na daw niya ko?

Yung araw na akala ko magiging isa sa pinakamalungkot na araw na buhay ko kasi titigil na ko sa kamartyr-an ko sa January 26! Aba major plot twist pala ang nangyare! Si Nathan ang tumigil sa kamanhidan niya kay Arianna!

Oh well, universe may have planned this for us. Siguro sinadya ni Lord na magchat siya sakin ng Merry Christmas kasi sign na yun ni Lord na sya na yung the one ko! The search is over! Hurraaay!!

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon