9. Confined

96 44 167
                                        

HANNAH'S POV

Pagdating ko ng school, naheartbroken naman ako agad. Nalaman ko kay Raymond na may girlfriend daw pala si Mark matagal na. Ayun tinanong ko kung sino, sinearch ko tapos inistalk sa fb. Maganda, magaling kumanta, cute. Nako wala kong panama dito. Anyway dahil role ko naman ang tagakilig, suportahan ko nalang sila ng crush ko! :>

"Hansss nakatitig ka na naman jan sa room nila", panggulat sakin ng tropa kong si Angela. Nakatambay kami ngayon sa bench malapit sa room nila Mark.

"Ha? Bakit masama ba? Crush ko padin naman si Mark kahit kinikilig ako sa pictures nila ng girlfriend niya sa fb. Masama bang hanggang tingin nalang?", pagddrama ko naman

"Hay nako gumaya ka sakin madaming crush! Para naman di ka nauubusan ng iniistalk. Char!"

"Eh karamihan naman sa crush mo artista."

"Ano ngayon? Atleast close ko si *toot*. Hah!"

"Oh edi ikaw na may kakilalang artista. Sama mo nga ko sa mga lakad mo dejoke"

"Hi guysss anong meron?", bati ni Rian samin. Kasabay niya si Carla na kakadating lang din.

"Kwento mo na sakanila si Nathan", bulong sakin ni Carla.

"Wag na muna, wala lang naman yun tsaka si Mark padin crush ko noh", bulong ko din sakanya

"Wala eto kasi si Hannah kanina pa nakatingin sa classroom nila Mark", sabi ni Angela kay Rian.

"Tara na nga't pumasok nalang sa classroom", sabi ko nalang sakanila.

Lumipas ang dalawang araw medyo naging close kami ni Mark, akalain mo yun? Hindi naman sa close na close,exaggerated lang talaga ako pero nakakabatian ko na siya tsaka ngitian. Masaya na ko dun! Hahaha Eto naman si ako kinikilig sakanya. Kahit makita ko lang siya kinikilig na ako. Buti nalang kumuha ako ng subjects sa section nila. Irregular student kasi ako. Well, shiftee eh. Di lahat ng subjects sa block ko kinukuha.

3rd day ng pasukan, sumakit ng sobra yung tiyan ko. As in sobra. Yung tipong namimilipit na ko sa sakit.

Sinugod ako sa ospital ni papa. Di ko na talaga kinaya yung sakit. Pabalik balik ako sa cr hanggang sa naconfine na ako. For the second time in my life ever. Hays...

Buti nalang dala ko yung phone sa ospital. Macheck nga muna fb ko, baka may mga chats na sila Carla.

Guys ano na gagawin natin sa marketing?

Ewan ko kayo na bahala.

Sigesige si Angela na bahala dun.

Marketing subject lang naman pala pinag-uusapan nila. Di na nga ko magrereply. Well, wala pa nga palang may alam na nasa ospital ako. Teka baka may iba pang chat...

Aral, laro, aral... ang busy mo naman...
Di ka na nagreply, nalunod ka na ba sa kakaaral?
Oy kamusta na?

Puro chats ni Nathan bumungad sakin. Isang buong araw ko din pala siyang di nareplyan simula nung sumakit yung tiyan ko nung isang araw. Mareplyan nga.

H: "Sorry di nakapagreply hahaha naconfine ako eh."

N: Ha?bakit anong nangyari sayo?

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon