HANNAH'S POV
Tara Mae support kita.
Yiieee ang sweet naman ng dalawa jan
Nakwento sakin ni Nathan na si Erwin pala yung kaibigan nyang nag-asar samin nung once na naglaro kami ng lol last week nung nasa Laguna pa ako.
Dumalaw ulit si Nathan for the second time dito sa ospital, kasama niya yung isa naman daw niyang bestfriend. Nagpasama daw sakanya bumili ng gitara kaya nagpasama nadin siya para makadalaw sakin. Ayun puro asaran na naman kami, sabi pa niya sa kaibigan niyang si Anthony tugtugan daw kami yung pang couple, lols. Pang-asar naman niya, kala naman niya kinikilig ako sakanya. Well, slight hehehe.
Si Angela dumalaw nga pala sakin, sinabi ko nadin sa friends ko na naconfine ako. Pinost ko kasi sa instagram yung box ng Domino's Pizza na bigay ni Nathan tapos nasa background yung kamay ko na nakadextrose kaya nagtanong na sila. Nakwento ko na din kay Angela si Nathan pagdalaw niya, kinikilig pa ko habang nagkkwento, feel ko ang special ko para dalawin ni Nathan. Kinikilig naman tong si Angela para sakin. Si Carla bukas nalang daw dadalaw.
May perks din pala ang pagkaconfine. Makikita ko ulit sila mama at kuya! Kumpleto ulit kaming family hihi, minsan lang kami magsama sama pag may pasok eh. Ngayong third day aba dumalaw pa rin si Nathan mag-isa na! May dalang apples, nakakahiya daw dumalaw na walang dala. Nako magkikita sila nila mama tsaka ni kuya nakakahiya. Maya-maya dumating si mama at kuya galing Laguna. Pinakilala ko naman si Nathan.
"Oh salamat sa pagdalaw kay Hannah ah, sa susunod sa bahay naman na?", pang-aasar samin ni mama.
Tumawa lang si Nathan. Di ko alam na seseryosohin pala niya.
***
One time magkatext kami sabi niya magkikita daw sila ni Arianna hihiramin daw usb niya kasi nagvolunteer siya na bigyan ito ng bagong movies nung magkachat sila. Nagulat nga daw siya nagreply ito sakanya.
Ako naman eto si supportive friend. Finally magkikita na ulit sila! Good for him. Hmm okay naman ako, kung san siya masaya masaya ako. Kaya minotivate ko lang siya.
Halos 1 week din ako sa hospital. Kalalabas ko lang ng ospital nun nung nagtext siya. Sabi niya "Mae wala na kong maramdaman". Eto naman ako si nacurious at medyo bumilis na naman yung tibok ng puso. Baka may chance na ko dito, baka di na niya gusto si Arianna. So nireplyan ko...
Hannah: Seryoso ba? Bakit pano mo nasabi?
Nathan: Kasama ko siya ngayon, boring...awkward...mas gusto ko pa matulog..
Hannah: Nako baka naman akala mo lang, try mo siya kausapin, ikaw mag-open ng topic.
Di na siya nagreply. Hapon na nun nung nagtext siya eh. Ako naman tong naghihintay ng kwento kung ano nangyari. Hinintay ko siya hanggang sa gabi na wala padin reply.
Syempre nag-aalala ako ano nangyari dun bihira lang naman siya hindi magreply sakin ng ganun katagal. So ini-flood ko siya ng messages. Kesyo kamusta anong nangyari, san ka na nakauwi ka na ba, uy di ka na nagreply, ingat ka ah gabi na uy..
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...