HANNAH'S POV
December na naman! Eleven months na siyang nanliligaw sakin. Yieee naaalala ko pa kung pano kami nagsimulang maging close sa chat. Sobrang meaningful ng Paskong yun sa akin. Kaya thankful talaga ako kay Papa Jesus kasi dahil sa birthday Nya kaya ulit kami nagkalapit ni Nathan.
Si Mark ayun nangungulit pa rin. Akala ko maiintindihan niya na kailangan ko siyang iwasan para hindi kami mag-away ni Nathan kaso hindi pala. Hindi nga siya nagcchat pero sa school naman lagi syang dumadalaw sa room ng section namin. Eh wala naman akong magawa dahil naging close nadin sya kila Charles at sa tropa.
Ang tropa naman minsan nagkakatampuhan, nagtatampo si Rian Mae dahil palagi nalang daw kami nila Angela at Carla ang magkakasama. Na-oOP na daw siya kapag nanjan kami, mabuti nalang daw at nanjan si Charles. Ang di niya alam pinaglalapit lang talaga namin silang dalawa, haha!
"Huy Hannah akala ko ba magluluto ka ng fries? Nagddaydream ka na naman jan eh," sabi bigla ni kuya Tristan. Nasa Laguna kasi kami ngayon dahil Christmas break. Miss na miss ko na nga kaagad si Nathan eh.
"Oo nga sorry na, may namimiss lang ako."
"Si Nathan ba? Sabihin mo tara laro nalang kaming dota nood ka."
"Talaga? Sige sabihin ko hihi"
Tinapos ko na ang pagluluto ng fries para masabihan na si Nathan. Tinext ko na siya kaagad at pumayag naman siya since nasa comshop na din siya. Pinanood ko lang sila ng pinsan kong naglalaro at siyempre naipanalo nila yung game nila.
Me: i miss you bby
Nathan: ako din naman. Uwi ka na dito bilis
Me: loko dito kami mag-nnew year noh haha punta ka nalang dito
Nathan: sige pengeng pamasahe hahaha!
Me: sige padalhan kita ano g?
Nathan: joke lang pagalitan pa ko nila nay pag bigla akong nawala haha
Me: sabi ko nga, haha pakisabi kila Nerissa at kila Nay mo Merry Christmas ha? Ikiss mo nadin ako kay baby Anette hehe
Nathan: sure kiss narin kita oh ;***
Kinilig naman ako dun hihi pero mas gusto ko sa personal yung kiss mehehe landi chos namimiss ko na talaga siya. Nagvideo call lang kami nung Pasko at hanggang sa dumating yung New Year.
Balik school na ulit kami. Nako major subjects overload na, karamihan pa naman reporting huhu ayoko ng reporting pls pagawain niyo na ko ng ibang activity wag lang reporting. Ayoko kasi yung feeling na pinapanood ka ng madaming tao. Yung feeling na anytime majujudge ka. Introvert kasi ako eh yan ang tingin ko sa sarili ko pero sabi ng friends ko extrovert daw ako. Ay ewan basta i'm in between. So ayun nga minsan pag magrereport parang gusto ko nalang mawalang parang bula.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...