3. Games

118 54 158
                                        

Hannah's POV

30 minutes nalang pasko naaaa! Sige na nga iaadd ko na si Mark...Mark Reynolds Cruz Alonzo buong pangalan niya, yung crush ko...o diba alam na alam pati middle name? Wahaha well, yung seatmate ko sa POM na si Raymond na close ko e crush din siya, tapos close din sila... pano niya nalaman middle name?eh sa mga libro na hinihiram niya buong pangalan daw nakasulat eh hahaha funny nga nung kinwento niya sakin. Anyway bading si Raymond, halata naman diba guy name.

So ayun nagdesisyon na ko, inadd ko na siya...

Friend Request Sent

Hmmm iaacept kaya ako nito? Sana sa pasukan maging close kami hihi.

"Hannah picture na dali" , sigaw ni kuya Jacob

"Oy laro tayo nba mamaya", sabi naman sakin ng pinsan kong mas matanda sakin ng 4 na taon na kauuwi lang. Si Kuya Tristan.

"Sige ba, kaso talo lang din naman ako lagi hahaha pero oks lang", reklamo ko.

"Okay lang yan hahaha oh tara picture na mga tita! Tito!" , tawag niya kila mama at papa at tita Arlene. Simula elementary siya sa amin na siya nakatira nila mama. Yung mama niya ayun nakailang anak na banda rito banda doon, pero may asawa naman ata ngayon. Di sila close kaya sila mama na nag-alaga sakanya mula nun. Yung papa naman niya ewan ko?di ko alam di naman kami super close para tanungin ko siya basta alam ko hiwalay mama nya sa papa niya. Si tita Arlene naman kapatid ni mama na special child.

"Wow ang sarap may JCO!" , tuwang tuwa naman ako sa pasalubong ng pinsan ko.

"Mas masarap tong leche flan nice sino may gawa?", tanong niya.

"Sino pa ba?edi si Hannah! Gusto daw niya matry eh", sagot ni mama.

"Naks naman! Inspired?" , asar pa ni kuya Tristan.

"Pag nagsipag inspired agad? Grabe to! Haha oh picture na nga!", sagot ko.

1...2...3... Cheese! MERRY CHRISTMAS! Pasko na yeyyy! Ayan nagselfie na kaming pamilya hahaha ayos ang saya talaga pag Pasko. Andito kasi kami sa Laguna, dito nagsstay si mama tsaka pinsan ko, bahay to ng tita ko na kapatid ni mama. Eh nasa Japan yung tita ko na yun. Kinuha niya si mama para alagaan yung special child na kapatid nila. Sa pasukan uuwi na naman kami sa Marikina. Dun kami talaga nakatira, sa side naman ni papa ko. Nagtataka kayo bakit? Opss hindi magkahiwalay parents ko, sadyang marami lang misunderstandings sa mga kapatid-kapatid nila so yun, kami ni papa at kuya sa Marikina with papa's siblings habang sila mama, kuya Tristan at tita Arlene dito.

Tapos na kami mag picture. Nag gm na din ako ng Merry Christmas sa tropa. Balik cellphone na uli ako, check ko nga kung inaccept na ko.

Sayang naman hindi pa. Di ko makikita post niya this Christmas, chos stalker lang ang peg? Haha. Ayun nag-upload nalang ako ng picture ng mga handa namin instagram. Tapos special yung leche flan na ginawa ko, may caption pa na 'made by yours truly' hahahaha trip ko eh bat ba... Uy nag reply na pala si Nathan! Akala ko hanggang Merry Christmas lang ang chat namin eh. Ala una na ng madaling araw.

N: Lol. Haha bakit, naglalaro ka din?

H: Ay akala ko dota haha yun pa naglalaro ko.

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon