20. What ifs

54 26 63
                                        

HANNAH'S POV

Hay nakaraos din ang Valentines. First time ko magcelebrate nun ha! Di ko inaasahan ikakasal pala kami sa araw na yun. Aba big deal sakin yung marriage booth noh.

Pagkatapos niya kong halikan sa cheeks nun, tinanong ni Nathan kung galit daw ba ako. Sinagot ko siya na nakakainis siya. Pero alam niyong sinagot sakin?

"Hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun. Okay lang kung magalit ka, pero isa yun sa way ko para maparamdam kung gano kita kamahal, kaya NO REGRETS MAE. I LOVE YOU"

Natameme naman ako. Oo na ako na kinikilig! Pero syempre first kiss ko yun wahh! Ang dami ko nang first dito sa lalaking to ah, sya na ata lahat ng first ko.

Tumambay pa kami sa bahay pagtapos namin magdate, tinuruan niya ko maggitara. May natutunan naman ako konti hehe. Plucking ng Perfect Two wahahaha atleast diba.

Natuloy nga pala yung date nila Charles at Rian pano ba naman sinet-up namin sila nung Valentines, tinaguan namin sila, ayun sabay silang umuwi nainis ata samin hahaha. Okay lang yan susuportahan ko si Rian kung gusto niya talaga si Charles.

Halos one month na nanliligaw sakin si Nathan. Sabi namin wala kaming itatago sa isa't isa. Nagulat naman ako one time nasa Laguna ako nagdrama na naman siya. Nakkwento ko kasi sakanya na di pa boto sakanya sila Angela.

"Mae, naiinis padin ako sa sarili ko :|
Kinakain na ako ng sarili ko :|
Basta kahit ano masabi ko sayo, mahal kita palagi ha? Una palang nung chinat kita :|
Kung naiinis sakin mga kaibigan mo e mas naiinis ako sa sarili ko ng x100. Bobo ko kasi e, tinuloy ko pa kahit ikaw na mahal ko. Mahal kita mae :|
Sobrang mahal. Naiinis padin ako sa sarili ko :|

tagal ko na gusto sabihin sayo yang mga yan na nasa isip ko e. Kaso natakot ako baka magalit ka sakin. Sorry :(
Ang labas tuloy sa iba nag take advantage lang ako sayo :|
Pero seryoso ako, mahal na kita nung chinat kita, dumalaw ako sa hospital, nung mga araw na tinataboy kita. Sorry :(
Mahal kita Hannah Mae Lireo:|

I love you Mae."

Awww. Nalungkot naman ako bigla, sobrang sinisisi padin niya yung sarili niya na nasaktan ako. Tsss. Di naman niya kasalanan eh, crush niya ko dati. Nakita niya post ko na Merry Christmas. Gusto niyang bumati at mangamusta sakin. Meron siyang gustong iba pero chinat niya ko kasi nga crush niya ko dati. Gets ko naman yun eh. Di naman niya kelangan mag-explain.

Ewan ko lang ba sa tropa ko di nila feel si Nathan lalo na si Angela. Nung unang kwento ko naman kinikilig siya samin. Pero wala akong pake ang mahalaga mahal ko si Nathan.

...

What? Anong sabi ko? Mahal ko na nga ba talaga si Nathan? Wahhhh oo ata! Inlove na nga ako omg! Ibang level na to hindi na to basta basta crush lang. Hays ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na mahal ko na nga siya. Pero kelan ko kaya masasabi sakanya?

N: Mae buksan mo yung account ko may gusto lang akong mabasa mo kasi diba no secrets tayo...

H: ano ba yun? Sabihin mo nalang sakin.

N: ikaw na magbasa para alam mo..

Okay? Weird, ano kaya yun? Alam na nga pala namin password ng isa't isa sa fb pero never ko naman binuksan yung kanya siya rin naman palagay ko hindi binubuksan yung akin lahat naman kinekwento namin sa isa't isa eh.

Pagbukas ko ng account niya nabasa ko yung chat ni Francis. Yun daw kasi ang basahin ko...

Ikaw dahilan bakit na late yun at napalayo ikaw dahilan bakit di niya sinamahan classmate niya ikaw dahilan bakit siya na saktan

Sabi sakanya yan ni Francis. Nasaktan naman ako dun sobra, nasaktan din ako para sakanya. Kasi alam kong magguilty na naman siya eh kasi kaibigan nya mismo sasabihan sya ng ganyan. So yeah sabi ko kausapin niya si Arianna. Ayun nagkausap naman sila sa phone okay naman na daw eh. Sa totoo lang pareho silang medyo inis nga din kay Francis kasi nga biglang ganun pinagsasabi.

Sabi ni Nathan okay naman na daw di na nila kelangan magkita ni Arianna. Pero ewan ko siguro mas maganda kung sa personal nila napag-usapan yun? Haha ewan pero syempre kahit papano nagseselos padin ako kay eh so okay na nga siguro yun? Ewan. HAHAHAHA.

Pero kasi sa totoo lang nasasaktan ako sa mga sinasabi nung Francis eh. Akala ko ba siya yung nagsabi na ako nalang piliin ni Nathan? Pati yung nabasa ko pa sa chat nya na pag heartbroken daw madaling mainlove, at si Nathan yun. Na parang nainlove lang sakin si Nathan kasi broken sya. Na parang aksidente lang yung nangyari. Na nagkaron siya ng feelings sakin. Na sakin siya nahulog >,< Pero sa isip isip ko kasi parang totoo yun e. May point din naman si Francis Baka nga tama siya. Na siguro kung hindi ako dumating baka naging sila na ni Nathan at Arianna. Siguro masaya sila ngayon. Siguro hindi nagguilty si Nathan nang dahil sakin. Siguro mas masaya si Francis para sa kanilang dalawa. Siguro hindi nasaktan ni Nathan si Arianna (if ever man na nasaktan nga talaga si Arianna sa nangyari) Siguro naging masaya nalang ako para sa kanilang dalawa. <////3

Hay napakaraming what ifs -_____- di ko naman masabi to kay Nathan kasi baka sabihin nya wala akong tiwala sakanya. Sobrang laki ng tiwala ko sakanya eh, na kahit lahat ng sabihin nya paniniwalaan ko. Kahit pa yung palagi nyang sinasabi na pogi at hot siya -.- lollllll hahahahahaha pero kidding aside. Kaso kasi hindi ko maiwasang maisip ko yung mga ganung bagay eh AIIISSSSSSSSHHHH

HAYY ANGDRAMA KO NAMAN. TUMIGIL KA NGA HANNAH. MAHAL KA NI NATHAN AT YUN ANG MAHALAGA OKAY?

Ano nga ba kasing storya ni Nathan at Arianna? Pinakilala daw sila ni Francis sa isa't isa. Nung una nagkahiyaan pa daw pero inadd din ni Nathan si Arianna sa fb. Kaya buong summer nun magkachat sila. Pero natigil din. Tapos inaya niya nga nun makipagdate si Arianna na pumayag din naman. Nung ojt nila, inaya ni Nathan si Arianna na sakanila nalang sumabay. Kasabay nila yung tropa ni Nathan na nag ojt hunting. Eh dun sa isang company tatlo nalang ang tinatanggap, tanggap tropa ni Nathan, naiwan si Arianna. Humanap uli siya ng ibang company natanggap naman daw ito. Kaso bigla daw nagbawas ng employee yung company na to, naiwan sa ere si Arianna, kaya naghanap uli siya ng iba at medyo nalate siya sa ojt nila. Medyo magulo naguluhan din ako eh pero basta yun na yun haha.

Pakiramdam ko tuloy bigla baka may feelings din si Arianna kay Nathan. Tapos tinetest lang niya ito? Baka tinitingnan lang niya kung hanggang san mageeffort si Nathan pero deep inside gusto niya pala ito. Pano nga kaya?

Hays Hannah wag ka nga masyado mag-isip ang paranoid mo na eh. Nabasa mo lang yung chat ni Francis. Tsss. Atleast sinabi agad sayo ni Nathan, atleast alam mo. Atleast alam mong di siya naglilihim sayo...

***
A/N: sa mga nagbabasa thank you po hehe medyo true story po kasi talaga siya kaya medyo mabilis ang update sana ituloy niyo pagbasa hihi. Anyway wala na talagang feelings si Nathan kay Arianna. Mahal na niya si Hannah eh. Eh si Hannah kelan kaya niya masasabing mahal na niya si Nathan?

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon