NATHAN'S POV
Di ko akalain na papayag to makipagkita sakin akalain mo yun anggaling naman. Nagbakasakali lang ako. Ayun pumayag. Ang bait padin talaga niya. Ang cute padin. Pero mas maganda si Arianna. Hay Arianna na naman, bat ba naiisip ko yun. Hindi naman na ko nirereplyan. Panigurado wala nadin naman akong pag-asa dun...
Teka andami ko nang sinabi hindi naman ako nagpakilala. Ako si Nathan. Nathan Lazaro. 18 years old. Nakatira sa Antipolo, pero sa Marikina nag-aaral. Hindi ako gwapo, hindi rin mabait. Ewan mabait ako sa mabait, masama sa masama. Hobby ko mag-lol. Mahilig din ako maggitara. Adik ako sa The Beatles. Ano pa ba? Wala na di naman ako interesting sa tingin ko.
"Ikaw naman magkwento ng lovelife mo oy", pilit ko kay Hannah.
"Ikaw nga jan di ko alam ano na nangyari sainyo ni Arianna", bawi niya sakin.
"Puro ka Arianna, wala naman akong pag-asa dun."
"Sus susuko ka na agad? Ccheer pa naman kita. Kinikilig ako sainyo hihi", angsaya niya ha. Ang energetic nito ah. Di ganto pagkakakilala ko sakanya nung grade six haha.
"Chcheer talaga? Kulit mo din talaga. Akala ko dati tahimik ka lang"
"Tahimik naman talaga ako. Pero pag magaan loob ko sayo makulit ako! Hahaha'
Si Hannah, crush na crush ko to nung grade 6 kami eh. Haha korni pero ewan ko. Nung una may iba akong crush dati. Pero nung 2nd quarter namin napansin ko siya. Pano ba naman, sobrang tahimik, pero di mo akalain matalino pala! Top 3 siya nung 1st quarter namin. Tapos ang cute pa ang chubby ng cheeks ang sarap pisilin. Nakasalamin din siya pero sa tingin ko mas cute siya pag walang salamin.
Password ko pangalan niya sa isang online game noon kaya lagi akong inaasar ng mga tropa ko non. Lagi ko rin hinihintay tawagin class number niya pag recording na ng scores sa klase. Tapos aasarin na naman ako. Di ko alam pero nakakahalata naman siguro siya. Pero wala naman siyang reaksyon. Pero never ko kasi siyang nilapitan, nahihiya talaga ako sakanya.
One time may recitation sa english magbabasa lang ng tula. Tinawag siya ni Mam Andrea. Kelangan ng isa pang volunteer na lalaki naman, eh etong mga kaibigan kong si Erick at Jordan sabi "Mam si Nathan daw po", edi no choice naman ako napatayo ako bigla. Kinikilig naman ako kasi moment namin yun. Mautal-utal pa ko tapos tawanan naman buong klase nung tinawag akong Robot ni mam. Pati siya natawa, pulang pula siguro ako non.
"Hoy natahimik ka jan", pansin niya.
"Wala may naalala lang haha", palusot ko.
CARLA'S POV
Hmmm kita ko sila bhezzie mukang close na close agad sila nung Nathan ah. Nakatanaw lang ako dito sa kabilang bench malayo sakanila. Kakabalik lang nila sa pwesto nila, umalis kasi sila saglit kanina ewan kung san nagpunta. Ako naman okay lang dito katext ko naman si Lucas...
I'm Carla Aquino nga pala, bestfriend ni Hannah. Kulot, medyo chubby, medyo maliit katulad niya. Business Ad course namin. Si Charles lang nag psychology. Kaya nagdecide akong makipagbreak muna, para makapagconcentrate. Siyempre mawawalan din kami ng oras sa isa't isa. Hmm medyo mahiyain akong tao pero kay Hannah makulit din ako. Siya pinakaclose ko sa tropa.
1 unread message
Lucas
How are things with your boyfriend? Anyway i like talking to you :)Nako akala siguro ng mga kababata ko boyfriend ko parin si Charles. Sasabihin ko bang nagbreak na kami last year? Teka nagugutom na ko maitext na nga si bhezzie...
Uy kinikilig ako sabi ni Lucas i like you daw. Akala niya kami padin ni Charles. Anyway gutom na ko bili lang ako sa ministop ah.
HANNAH'S POV
*bzzzttt*
"Kinikilig naman ako dito sa bestfriend ko hahaha", putol ko sa kwentuhan namin.
"Bakit daw?"
"Sinabihan siya ng kababata niya na i like you hahaha tapos katext din nya yung ex nya. Haha dalawa textmate niya. Kinikilig ako"
"Parang laging kang kinikilig eh noh. Samin ni Arianna grabe ka din kiligin"
"Ganun talaga role ko na yun. Ang tagakilig hihihi"
"Ganun?Edi baguhin natin role mo"
Ha? Anudaw? Di ko gets.
"Ayoko nga masaya na ko tagakilig noh. Tara pakilala kita kay bhezzie wag ka na mahiya", aya ko kay Nathan.
"Sige na nga puntahan na natin bestfriend mo"
Dumeretso na kami sa ministop kasi sabi ni Carla dun siya bibili. Pinakilala ko sila sa isa't isa. Nako mahiyain pa naman tong si Carla, tapos si Nathan nahihiya din sakanya. Ayun nasa likod lang si Nathan habang nagkkwentuhan kami ni Carla. Naglakad lakad lang kami sa bayan hanggang sa napagpasyahan na umuwi na. Nagvolunteer si Nathan na ihatid ako sabi ko wag na, may dadaanan pa kami. Kaya ayun nagpaalam na siya samin.
3RD PERSON POV
Umuwing nakangiti si Nathan at Hannah. Hindi nila alam na ang araw na ito na pala hudyat ng simula ng lovestory nila. Hindi nila ito alam dahil si Nathan umaasa pa rin kay Arianna at si Hannah naman ay masaya na sa pagiging tagakilig lang sa mga kanila at sa mga kaibigan.
Tuloy pa rin sila sa pagchat sa isa't isa. O kaya minsan ay sa text naman sila nag-uusap hanggang sa nagpasukan na. Hindi akalain ni Hannah na masusundan pa ang pagkikita nila.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
أدب المراهقينSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...