HANNAH'S POV
Natutuwa naman ako dito kay Nathan. Todo effort para lang mapangiti ako. Kanina ko pa siya vinivideohan habang kumakanta. Kahit nagmumukha na siyang ewan wala parin siyang pakialam. Mahal na mahal ko na ata talaga 'tong lalaking to. Parang gusto ko na ata siyang pakasalan. Naalala ko tuloy yung mga panahong naglihim ako sakanya tungkol kay Mark, dapat sinabi ko na lahat agad sakanya dahil alam ko namang siya yung tipo na maiintindihan ka. Kung tatanungin ngayon kung nagduda ba ako sa nararamdaman ko kay Nathan dahil kay Mark? Natatawa nalang ako. Kasi i realized kung gaano siya kaimportante sakin. At kahit pa crush ko dati ang umamin sakin, hinding hindi ko ipagpapalit si Nathan.
And I know everything about you.
I don't wanna live without you.
I'm only up when your not down
Don't wanna fly if you're still on the ground
It's like no matter what i do.
Well you drive me crazy half the time,
The other half I'm only trying to let you know that what i feel is true.
I'm only me when I'm with you.
Parang sakto sakin itong kinakanta niya ngayon ah. Hindi siya pumapayag na down ako palagi. He always finds a way to cheer me up. Hindi siya pumapayag na mag-isa ko lang haharapin yung problema ko, na hindi niya alam ang problema ko. Baka nga nababaliw na siya kaiisip kung paano ako tutulungan. Nasabi nadin niya sakin noon na ibang klase yung saya niya kapag kasama ako. I'm only me when I'm with you. Gusto kong sabihin sakanya yung mga katagang yan, kasi gaya nya, ibang iba rin yung saya kapag siya ang kasama ko. Pakiramdam ko malaya ako maging ako kasi kahit anong gawin ko, tanggap niya ako. Ang swerte ko pala talaga sa lalaking 'to.
Whoa oh I'm feeling you baby
Don't be afraid to jump then fall, jump then fall into me
Baby, I'm never gonna leave you,
Say that you wanna be with me too
Cuz I'ma stay through it all so jump then fall
Kelan lang tinataboy ko siya. Pero hindi siya nagdalawang isip sakin kahit ganito ako. Hindi niya ako iniwan. Napag-isip isip ko na kaya ko siya tinataboy dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko deserve lahat ng ginagawa niya para sakin. Na baka hindi ko siya deserve. I'm a depressed person right now at baka mahila ko lang sya pababa. Oo masayahin akong tao, pero hindi ko rin alam kung bakit may history ako ng depression. Nathan knew it from the start, and eto nga nung naulit na naman sa akin, hindi niya ako sinukuan. He's really one of a kind.
"Oh baby bakit nakatitig ka lang sakin jan? Galing ko ba? Mukha na ba kong Swiftie dahil sayo?"
Natawa naman ako sa tanong niya. Gugustuhin niya ba talagang maging Swiftie dahil sakin? Ganun ba niya ko gustong mapasaya?
Bigla ko siyang niyakap at napaiyak nalang ako. Narealize ko na hindi ko na pakakawalan ang lalaking 'to. Gusto ko na siyang sagutin. Sa December pa ako gagraduate parang sobrang tagal pa nun. Maiintindihan naman siguro nila mama kung sasagutin ko na sya dba?
"Uy wag ka nang umiyak Honey My Loves pinapakaba mo naman ako eh. Bakit ka ba umiiyak?"
"Hahaha! Sorry. Ikaw kasi eh masyado kang sweet. Gusto na tuloy kitang pakasalan."
Namula naman ang loko. Hahaha! Ang cute talaga ng soon-to-be boyfriend ko.
"Kasal talaga? Hindi pa nga tayo diba."
"Ay bawal ba kitang pakasalan kapag hindi pa tayo? Eh pano ba yan gusto na kitang pakasalan."
"Edi sagutin mo na ko."
"Edi sinasagot na kita."
Natahimik siya. Hindi ba siya masaya? Hahaha! Pero teka halatang gulat na gulat ang itsura niya.
"Ahmm baby tama ba yung rinig ko? Sinasagot mo na ako?"
"Ayaw mo ba? Gusto mo bawiin ko?"
"Hindi! Hindi! Hindi ako makapaniwala! Crush ko lang nung grade 6 girlfriend ko na ngayon! Payakap nga!"
Ang higpit ng yakap niya. Yung parang hindi ka talaga niya pakakawalan. Hayyy ang sarap sa feeling. Ayoko ng kumawala sa yakap niya. Gusto ko ganito na lang kami forever.
Pagkaalis niya ng yakap niya, i kissed him on the lips. Passionately. Halata naman na nagulat siya pero gumanti din siya ng halik. Finally, i can officially call him my boyfriend.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Ficção AdolescenteSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...