NATHAN'S POV
Yes! Maaga natapos yung meeting namin ngayon para sa thesis. 4pm palang, 5pm ang out nila Mae. Isurprise ko kaya sya? Sunduin ko kaya siya sa office nila? Tutal never ko pa siyang nasundo kahit sa school nila. Sige susunduin ko nalang siya! Buti nalang bukas pa yung overnight namin.
Tinext ko siya kinamusta ko, pero di ko sinabi na pupuntahan ko siya, sabi ko lang sakanya magkita kami. Pumayag naman siya agad.
Dumeretso na ko sa Robinsons Galleria sa Ortigas. Malapit daw kasi dun yung office nila. Nagpalamig muna ako sa loob ng mall. Tapos nag-abang na ko sa tapat ng building nila. Buti nalang nagsend siya ng picture ng office nila sakin dati kaya namukhaan ko.
10 minutes pa bago sila mag-out. Buti nalang hindi traffic. May extra time pa ko sa paghihintay sakanya. Maya maya nakita ko lumabas na siya. Yes! Namimiss ko talaga siya agad palagi eh. Kaso...
Bakit may kasama siyang lalaki?
...
...
...
Teka kilala ko to ah?! Eto yung crush niya eh!!! Aba t*ngina bakit sila magkasama?? Niloloko na ba ko ni Mae?
"N-nathan???"
"Uy Mae ikaw pala yan! Napadaan lang ako, may pinabili kasi sakin sa Robinsons, sige una na ko"
"Nathan i can explain!"
"Pare pakinggan mo muna siya"
"Wag kang makikialam dito, sino ka ba?"
"Mark pare", sabay abot niya ng kamay sakin.
"Oo kilala kita di mo na kelangang ipangalandakan"
"Nathan sorry. Pero magkasama kasi kami sa OJT---"
"Ni hindi mo man lang nabanggit sakin? Ni isang beses?"
Wala siyang ibang nasagot kundi Sorry. Sh*t bakit ganto nararamdaman ko? Pakiramdam ko tutulo na yung luha ko. Di niya ko pwedeng makitang ganito...
"Magpahatid ka nalang sakanya"
Tinalikuran ko na sila sabay takbo. Sinigurado kong di nila ako masusundan. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating sa sakayan pabalik. Tsss nagsayang lang ako ng pamasahe. Chinat ko nalang sila Anthony na samahan akong maglaro ng lol. Pantanggal init ng ulo.
Anong ibig sabihin na magkasama sila sa OJT? Ibig sabihin sabay sila palagi umuuwi, kumakain, nagttrabaho? Kelan pa? Bakit wala man lang siyang nabanggit? May gusto na ba uli siya sa kumag na yun? Tsss Mae bakit mo ko ginaganito? Pinaparamdam mo lang ba yung naparamdam ko sayo noon? Gumaganti ka ba? Kasi kung oo, tama na panalo ka na.
Nathan mag-usap tayo please.
Uyy
Sorry na please?
Nasan ka ba ngayon? Wala ka naman sa TNC.
![](https://img.wattpad.com/cover/191500291-288-k181296.jpg)
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Novela JuvenilSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...