HANNAH'S POV
Hey gising pa kayo? Naiintindihan ko naman na kelangan tapusin na agad yang plano para sa raket niyo. Ang sakin lang kasi, overnight yan, babae lang ako. Babae din yan si Ally. Ngayon ko lang sasabihin to dahil di naman ako sanay magselos, pero hindi mo naman siguro maaalis sakin na magselos ako lalo na kayong dalawa lang magkasama jan sa raket nyo. Pero ano nga bang magagawa ko? Kelangan niyo gawin yan eh. And i trust you. So goodluck nalang jan sa ginagawa niyo ha? I love you! Good night!
Dahil di ko na natiis, nagsend na ko ng nobelang message kay Nathan. Aba, nagseselos ako noh, hindi naman masamang magkaron ng tropa na babae si Nathan pero ewan ko basta nagseselos ako! Natulog na ko agad pagkatapos kong isend yung text ko kay Nathan.
Pagkagising ko natouch naman ako sa texts nya.
Aww baby di ko alam. But i appreciate na nagsabi ka. Wag kang mahihiyang magsabi sakin ng nararamdaman mo ha? I love you so much! Sleep tight!
Update baby tapos na kami sa floor plan, electrical naman ginagawa namin
Andito na si kuya kaya wag ka na mag alala jan ha.
Tulog ka na mahimbing text nalang kita pag tapos na kami
Malapit na kami matapos!
Done!! I love you baby good morning!
Nireplyan ko naman siya na congrats at natapos nila. Tsaka sabi ko buti naintindihan niya yung nobela kong text sakanya at di siya nagalit na nagseselos ako. Kumilos na ko para pumasok sa OJT. 8am-5pm ang sched namin.
"Oh, aga natin ngayon ah? Good mood?"
"Well, sinunod ko lang naman yung payo mo na sabihin sakanya na nagseselos ako. Turns out naintindihan niya at wala naman pala akong dapat ikaselos haha OA ko talaga minsan eh"
"Ah glad i helped."
"Yeah, thanks nga pala Mark ha"
"Wala yun, mahal kita eh"
"Huh?"
"Hahaha! Wala wala! Tara na tapusin na natin tong pinapagawa satin!"
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...
