6. Luxury Ring

105 47 152
                                        

Hannah's POV

Habang naghihintay ng countdown kachat ko si Nathan at syempre ang team CHAR. Tropa namin yan mula high school haha. Carla and Charles, Hannah Mae, Angela, at Rian Mae. Short for CHAR. Si Carla na parehas kong mahinhin at mahiyain, si Charles na palaging nang-aasar sakin, si Angela na madaming crush at parehas kong madaling mafall hahaha at si Rian Mae na palaging nagsasabi na maganda sya pero may pagkatahimik at syempre ako na mahiyain pero kwela kausap at laging masiyahin. Anyways pinag-uusapan namin ngayon yung barney and friends lol. Grupo ng mga kaklase namin, except Charles, na di namin trip.

Angela: ang bossy talaga ni Barney kelangan daw bukas may napasa na kaming suggested topic sa research namin sakanya! Leader kasi kainesss

Charles: ha?eh isang linggo pa bago pasukan ah. Oy hannah pagsabihan mo nga yung kaibigan mo daw na si barney!

Hannah Mae: hoy grabe kayo kay barney mabait naman yon.

Rian Mae: mas maganda parin ako!

Carla: oh edi ikaw na talaga rian hahaha anyway tapusin niyo nalang kasi Angela kayang kaya mo naman yun

Angela: sabi ko nga! Kung gusto niya ako pa mag-isa gumawa eh

Charles: oh ayan sumunod kayo kay boss carla.

Carla: okay charles

Charles: joke lang carla wag ka na magalit haha

Hannah Mae: bagong taon kasi tapos assignment pinag uusapan niyo hahaha

Angela: sige pag-usapan natin yung crush mo

Carla: hmm sinong crush ba Hannah? Hehehe

Omg di pa nga pala alam nila Angela yung tungkol kay Nathan. Pano ko sasabihin nakakahiya haha wag na nga lang sa pasukan nalang.

Hannah Mae: ayun nagvviolin padin hehehe friends na kami

Angela: ay charrr! Kelan ka inadd?!

Hannah Mae: ako nag-add lol nung pasko hehe ayan ka na naman sa char mo..

Angela: syempre kaya nga tayo CHAR diba? Anyway balitaan mo ko pag may progress na ah

Charles: di ka icchat nun Hannah wag ka na umasa! Wahahhaa

Eto na naman si mapang-asar na Charles sumbong ko to kay Carla eh. Tsaka di naman talaga ako umaasa kay Mark. Masaya na ko na naging friend ko siya sa fb. At isa pa, di ko parin alam gagawin ko kay Nathan kung makikipagkita ba talaga ako...

Nathan: oy mimi

Hannah: ha?bat mimi?

N: di mo rin natatandaan?pet mo yan sa pet society diba?

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon