7. January 6

102 43 130
                                    

Hannah's POV

Finally pasukan na bukasss! Makikita ko na ulit si Mark! Wahahaha inistalk ko nga pala profile nya. Kita ko mga covers nila ng kanta na nagviviolin siya ughh ang galing at ang gwapo niya talaga. Si Nathan? Wala lang siguro yung feelings ko sakanya baka dahil naging close lang kami sa chat. Pero ayun magkachat padin kami, random topics. Masaya padin siya kausap. Nag oopen siya tungkol kay Arianna. Pero sobrang minsanan lang daw kung replyan siya.

Nakwento niya yung first date nila, sa arcade sa Sta.Lucia. Nung una di pa daw niya alam gagawin haha nakakatawa pero ayun pag-akyat daw nila ng third floor gusto ng ice cream ni Arianna kaya ayun binilan niya ng strawberry na gusto niya. Ayaw niya ng strawberry pero gusto niya pair sila ni Arianna kaya yun nalang din binili niya. Tapos naglaro sila ng basketball muka daw talaga silang couple sa iisang gaming machine lang sila naglalaro. Andami pa niyang kwento tapos eto ako kinikilig sa kanila hihi seryoso kinikilig ako nagdecide ako na icheer si Nathan kay Arianna. Kaso nga lang parang one-sided love lang naman daw. After nung date di na ulit naulit. Sa chat nalang sila nagkakausap o kaya minsan sa school pinagtanungan siya tungkol sa OJT nila daw.

N: oy mamaya na uwi niyo diba? Yung mamon ko? Haha

H: ay seryoso ka pala dun? Hahaha

N: ay grabe kala mo nagbibiro lang ako porke idol ko si joker?lol pero joke ikaw bahala nasa TNC lang ako sa bayan mula 4pm mamaya

H: ay magkikita nga pala kami ng bestfriend ko mamaya baka maidaan ko yung mamon mo

N: yung mamon lang talaga?libre kita ice cream dali

H: tingnan natin haha

N: sige eto number ko 0947*******
Sige ingat! ;)

Kinilig naman ako dun sa emoticon na yun hahaha joke lang may Arianna na nga pala siya. Focus Hannah! Haha.. eh kasi naman ngayon lang ako nagkaron ng kachat na consistent. Alam niyo yun? Yung akala mo di ka na rereplyan kasi boring na pero nag oopen ulit siya ng panibagong topic. Biruin niyo 10 days ko na siyang straight kachat. Inaasar niya ko sa crush ko kasi naikwento ko sakanya. Siya naman kay Arianna ko inaasar.

Okay so bago umalis nagchat padin kami, nag send pa siya ng voice message ng pagtugtog niya ng In My Life ng The Beatles tsaka Till there was you. Haha panget ng boses wahahahhaha tinawanan ko nalang siya.

*ring ring*

Carla Aquino calling...

"Uyy jogging tayo mamaya sa sports center ha. Kita tayo freedom park", pambungad niya.

"Ge lang! Ano ba kasi yung ikkwento mo?"

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon