35. Friend Request

26 10 28
                                        

HANNAH'S POV

"Hindi ako magsosorry na nasuntok ko yung kumag na yun."

"Nathan naman eh."

"Hindi mo ba nakikita? He's taking advantage kasi alam niya hindi pa naman tayo. Wala ba siyang alam sa bro code. Kung taken na yung tao, kahit na sila na o hindi pa, wag na siyang eepal." Kitang kita ko yung usok sa ilong ni Nathan. Galit na galit talaga siya kay Mark. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako galit sa ginawa at sinabi niya sakin. Parang hindi niya nirerespeto yung desisyon ko na layuan siya.

"Sorry hindi ko alam na sinundan niya pala ako."

"Alam ko naman na hindi mo rin ginusto yung ginawa niya eh. Wala ka namang kasalanan baby. May tiwala ako sayo pero hindi mo maiaalis sakin na magselos ako. Lalo na iisa lang kayo ng school na pinapasukan. Araw araw pwede siyang gumawa ng move sayo."

"Sorry, iiwasan ko na talaga siya,"

"I know baby, don't cry na. Teka bakit nga pala ang aga mong umalis ng school niyo?"

"Ahh baby kasi. Sa tingin ko bumabalik yung anxiety and depression ko. Takot akong magreport. Kanina ready na kong pumasok pero bigla akong nagback-out. Ngayon naman ayaw kong magpakita kila Carla nahihiya ako."

"Shhh hindi babalik yan. Magaling ka na diba? Andito lang ako. Magsabi ka lang sakin lagi ng nararamdaman mo ha?"

Naglakad na kami pabalik ng bayan. Nagyaya naman ako na kumain muna kami sa Mcdo dahil nagugutom na ako. Ngunit nagulat ako nang makita ko si Mark palabas ng Mcdo. At mas nagulat ako sa kasama niya. Si Arianna. Ngayon ko lang siya nakita ng personal pero...Paano nangyaring magkakilala sila?

"Nathan?," patanong na sabi ni Arianna.

"Magkakilala kayo?", tanong ni Nathan kay Mark. Ngunit sabay din siyang napatanong nun kay Arianna. May binulong si Arianna kay Mark kaya hindi ko narinig. Kita ko ang gulat sa mukha ni Mark. Nagulat nalang din ako nang hawakan ni Mark ang kamay ni Arianna.

"Yep she's my date for today. Any problem Nathan?," paghahamon ni Mark kay Nathan. Kita ko naman ang inis sa mukha ni Nathan. Wag mong sabihing nagseselos siya? Alam kong gusto gusto niya si Arianna dati bago pa man ako dumating.

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon