HANNAH'S POV
2 months after
"Dito ka nag-oOOJT?!"
"Oo bakit masama ba? Wag mong sabihing dito ka na rin?"
"Malamang bakit pa ba ko nandito?"
"Sungit naman di mo ba ko namiss?"
"Aba Mark Reynolds Alonzo wag mo nga kong nilalandi! Porket alam mo na crush kita dati"
"Bakit effective ba? ;)"
"Tse wag ako may manliligaw na ako remember?"
"Relax!! Eto para namang di tayo close, tara san ka ba? Hatid na kita"
"Jan lang daw workplace ko sa may tabi nung dulong cubicle"
"What? Ayos pala eh magkatabi tayo! Nice"
"Huh? Ahh okay?"
Lagot magkatabi kami ng workplace station sa OJT ni Mark. Panigurado magseselos na naman si Nathan pag kinwento ko to sakanya. Wag ko nalang kaya ikwento? Ah oo tama, wala naman akong masamang ginagawa eh. Unexpected naman na dito rin sa Call Center company na to mag-aapply si Mark for OJT.
Third year na kasi kami, and since July na, kelangan may nahanap na kaming company. Nagkahiwa-hiwalay kami ng tropa dahil dun sila sa may sweldo sa Makati. Ako okay na ko dito sa Ortigas basta mas malapit kahit pa hindi sila nag ooffer ng sweldo at tanging meal allowance lang. Pero buti nalang din may kakilala na ko dito, di ko nga lang alam na si Mark pa talaga yun. May kinukuha parin naman akong subject sakanila pero hindi na kami magkatabi sa klase, kaya ngayon ko nalang uli siya makakausap. Buhay nga naman oh mapang-asar.
Umupo na ko sa station ko at sinimulan lahat ng HR related tasks na binigay sakin. Kaso ughh di ko kabisado tong computer...
"Ahmm Mark alam mo kung pano to?"
"Ah oo nung isang araw pa ko nagstart dito eh. Tulungan na kita."
"Thanks."
"Wala yun, basta ikaw;) "
"Lol anyway, kamusta na kayo ni Mara?"
"Ha? Ah wala na kami diba? Nakipagbreak na talaga siya eh. Di na namin naayos"
"Bakit di ka naman kasi nakipag-ayos? Kayong mga lalaki para kayong ewan eh."
"Bakit, niloloko ka lang din ba ng manliligaw mo? Haha"
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...