HANNAH'S POV
Araw-araw inspired akong pumapasok sa school. Sobrang sweet palagi ni Nathan sakin sa text o chat o personal. Ang routine namin after school ko at after ojt niya, magkikita kami sa TNC comshop sa bayan tapos ihahatid niya ko pauwi. Sa Manila kasi ang Hartfield College kaya never pa niya kong nasundo, masyadong malayo.
Nga pala, si Mark nagulat ako medyo nagiging close ko na talaga. Ang bait kasi niya, siya yung unang tao sa section nila na nagpafeel sakin na di ako irregular. Naging close din kasi ako sa tropa niya na kaklase ko din naman sa section nila. Inaasar ako ni Raymond baka daw madevelop kami. Ako naman sabi ko di na pwede kasi may manliligaw na ko.
Naghihintay kami ngayon ng prof sa POM. Tambay sa loob ng classroom. Di ko classmate ngayon ang tropa. Naging katabi ko si Mark sa seating arrangement namin, si Raymond naman sa kabila.
"Uy peram naman akong cellphone", sabi sakin ni Mark.
"Bakit? Gagawin mo?"
"Wala lang dali na peram lang ako"
Inabot ko na sakanya yung cellphone ko. Crush ko parin eh hehehe tsaka malay ko ba kung bakit niya hihiramin.
"Uyy ang sweet niyo naman ng boyfriend mo, nagtext oh i love you daw"
"Huy loko ka bat ka nagbabasa jan!"
"Hahaha bakit may tinatago ka ba?"
"Wala lol loko ka ah tsaka di pa kami, manliligaw ko palang siya. "
"Buti pa kayo angsweet nyo, away kami ng gf ko eh"
"Aywehhh? Ano na naman ginawa mo? Alam mo bang idol ko yang gf mo sa galing kumanta?"
"Hahaha nakakainlab boses noh, wala ayaw pa kasi niya ko pakilala sa parents niya, eh feeling ko kinakahiya nya ko. "
"Sus baka hindi pa lang siya ready wag ka kasing atat."
"Haha eh ikaw bat di mo pa sinasagot yang manliligaw mo?"
"Wala ka na dun haha tsaka dejoke ligaw lang daw muna sabi ni mama eh"
"Sus bakit mama mo ba yung magbboyfriend?"
"Haynako basta parang ganun na din yun", sabay irap ko sakanya.
"Haha ang cute mo talaga pag naaasar"
Hah? anudaw? Cute ako? Alam ko namang cute ako lol pero crush ko sinabihan akong cute? What is happening to the world? Magugunaw na ba ang mundo? Lol OA lang? Di lang ako makapaniwala, syempre crush ko si Mark eh matagal na tapos ngayon naging close na kami, dream come true.
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...
