NATHAN'S POV
JANUARY 28
"Magaling ka naman pala mag traxex eh"
"Syempre eto palagi ko ginagamit mula noon eh hahaha"
"Oy Anthony una na kami ah"
Nagpaalam na ko sa kaibigan kong si Anthony. At syempre panalo kami sa dota, binuhat namin si Mae. Hahaha magaling din naman siya di ko naman ineexpect na sobrang galing kasi babae sya. Tsaka inamin naman niya saking lagi lang din siyang binubuhat ng mga teammate niya pag naglalaro.
Lumabas na kami ng TNC ni Mae. Maaga pa naman kaya nagpasya kaming maglaro muna sa arcade sa Marquinton. Nagbasketball kami, aba talo ako? Ayos din tong crush kong to ah! Hahaha ang cute nya talaga lalo na pag tumatawa siya.
"Uy tara sabay tayong magpaalam kay papa ko tsaka kay mama mo na magkasama tayo baka hinahanap na tayo eh",
"Sige ako magtetext kay papa mo ikaw magtext kay nay."
"Hala nakakahiya itetext ko nanay mo?"
"Oo dali sabihin mo lang ikaw si Hannah, tas magkasama tayo alam na niya yun."
Sabay pa naming tinext papa niya at nanay ko para magpaalam na nasa Marquinton kami maglalaro lang sa arcade. Hindi naman pareho nagreply, okay na yun basta nakapagpaalam kami.
Balak ko na nga pala manligaw kay Mae takte kinakabahan ako anong sasabihin ko sa papa niya mamaya pag-uwi sa kanila? Seryoso ako sa pinangako ko kay Mae na liligawan ko sya wala nang atrasan to.
"Tara karaoke naman tayo!", yaya naman niya.
"Nako eh puno yung mga karaoke stall eh"
"Edi dito sa public tara sunod na tayo jan sa mga kumakanta!"
"Hala ayoko nga kumanta ng public."
"Ayaw mo? Edi wag! Ako kakanta bahala ka"
Naglakad naman siya papalapit dun sa public karaoke. Kinuha niya yung songbook at namili na ng kanta. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sakanya. Haha ang kulit talaga niya. Pinanood ko lang siya na kumakanta habang katabi ko siya. Napapasulyap-sulyap naman siya sakin habang kumakanta. Una kinanta niya Fearless tapos Back to December tapos Love Story naman...
We were both young when i first saw you
I closed my eyes and the flashback starts im standing there
On a balcony in summer airSee the light, see the party the ball gowns
See you make your way through the crowd and say hello
Little did i know...That you were Romeo and you were throwing pebbles
And my daddy said stay away from Juliet,
And i was crying on the staircase begging you please dont go...
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...