NATHAN'S POV
Sinasabi ko na nga ba dadating din yung araw na kinakatakutan ko, magkakagusto rin si Mark kay Mae. Aish ano bang magagawa ko? Eh magkasama sila sa ojt malamang lang na maging close sila, hindi ko naman masisisi si Mae kung magkagusto siya uli sa kumag na yun, matagal na nyang crush yun eh.
Kung ikukumpara kami, aminado naman akong mas malakas ang dating nun sakin. Isa pa, mukha pang mayaman, eh ako? Palagi akong nagtitipid, dota o lol lang kasi ang pinagkakaabalahan ko kaya dun ako napapagastos. Kapag may date naman kami ni Mae, hindi ko siya mabigyan ng enggrandeng date. Napapaisip tuloy ako, deserve ko ba si Mae? Magiging masaya kaya siya sakin? Tsaka isa pa, ang tagal ko nang nanliligaw sakanya, may patutunguhan pa kaya to?
Naging okay na uli kami ni Mae, hindi na namin napag-usapan yung tungkol kay Mark. Kinabukasan habang magkachat kami, napag-isip isip ko, baka kailangan ng panahon mag-isip ni Mae, tama, susubukan ko siyang palayain. Sa tingin ko hindi ko siya kayang mabigyan ng mga kayang ibigay ni Mark sakanya eh.
Hannah:
Baby gawa mo?Me:
Wala nanonood lang ng youtubeHannah:
Ahh okiee, i miss you! Simba tayo bukas?Me:
Ahh Mae may gusto sana kong sabihin sayo.Hannah:
Ano yun?Me:
Parang hindi ko na kaya Mae. Parang ayoko na.Hannah:
Huh? Anong sinasabi mo?Me:
Mae sa tingin ko hindi ka magiging masaya sakinHannah:
What do u mean?Me:
Mahal kita pero baka hanggang dito nalang tayoHannah:
Watdahell? Di ko gets anong dahilan mo?Me:
Hindi ko alam kung kaya kong ibigay mga kailangan mo.
Tsaka alam kong close kayo ng mama mo at ayaw ka pa niyang magboyfriend.Hannah:
So dahil dun? Naiinip ka na ganun?Me:
Hindi naman sa ganun, ayoko lang din pumagitna sa closeness niyo ng mama moHannah:
Ahh okayMe:
Okay? Walang kwenta yung dahilan ko noh?Hannah:
Buti alam moMe:
Sorry baby, pero palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Natatakot din akong masaktan kita sa future kaya mas maganda na sigurong ngayon palang tapusin na natin
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...