2. Classmate

141 53 170
                                        

Hannah's POV

Teka sino to? Nathan? Ah Nathan! Naging kaklase ko to nung high school! Himala! Nagchat sakin. Mareplyan nga... Ang alam ko taga school namin din to eh...

Hannah Mae
Uyy Merry Christmas din! Kamusta?huling kita natin sa school ah.

Ganyan talaga ako magreply, 'yung maeengage yung kausap mo sayo. Para feeling niya interested ka. Masyado talaga akong friendly sa lahat eh hehe. Ayoko nauubusan ng topic, boring haha.

Nathan
Akala ko di mo na ko naalala eh. Anong sa school? Kailan yun?

Hannah Mae
Grabe ka naman syempre naaalala pa kita. Di ko na maalala kelan eh. Basta sa Hartfield!

Nathan
Ha? Kelan ako pumuntang Hartfield? Parang di ko ata maalala.

Hannah Mae
Eto naman naging best in computer ka lang nung high school ganyan ka na!

Nathan
Ha? Hindi ako best in computer nung high school. Baka iba yun?

Ha? Pinaglololoko ata ako neto eh, pag nakakasalubong ko pa nga siya sa hallway binabangga ako neto pabiro, yun yung way ng pagbati nya sakin. Tapos ngayon itatanggi nyang best in computer siya? Luh! Halimaw sa comed to eh! Naging assistant pa nga to nung teacher namin dati. Saktong close lang naman kami pero nagtataka ako hindi naman ako chinachat neto dati?hmm tsaka bakit wala siyang apelyido sa fb? Weird.

Hannah Mae
Grabe kinalimutan mo na yung mamaw sa comed ng IV-Quezon! Grabe ka naman sa sarili mo

Nathan
Ha? Teka Quezon? Di ko naman section yan eh hahaha teka nga nacucurious na ko sino ba 'yung tinutukoy mo?


*loading* 


OMG! Nathan?! Ibang Nathan yung iniisip ko! Hala ka! Nakakahiyaaaaa! Viniew ko yung profile niya. Shocks! Si Nathan Lazaro pala! Eh kaklase ko to nung elementary eh! Nathan Aquino yung kaklase ko nung high school. Kasi naman walang apelyido sa fb! Pwede pala yun? And omg ang awkward alam ko crush daw ako neto dati, hahaha feeler ko. Pero totooo, inaasar kami dati ewan ko lang kung seryoso baka pinagttripan lang kami ng mga kaklase namin nun. Makapagsorry na nga baka isipin nya kinalimutan ko na sya.

Hannah Mae
Omg sorrryyyyy!ibang Nathan yung akala kong nagchat sakin! Sorry talagaaaa! Wala ka kasing apelyido eh! Hahaha Kamusta na?

Nathan
Ouch kinalimutan na ko ni Hannah! Sakit naman nun.

Hannah Mae
Uy hindi ahhh sorry talaga hahaha kapangalan mo kasi yung kaklase ko nung highschool eh..

Nathan
De joke okay lang! Hahaha yieee sino yun? Okay naman ako ikaw kamusta si G9?

Hannah Mae
Wala yun kaklase ko lang.. hmm okay lang din naman ako, bakit G9?

Nathan
Luh siya oh class number mo yan nung grade six tayo! Kinalimutan?hahaha

Hannah Mae
Wow tanda mo pa yun? Eh ako nakalimutan ko na yun eh hahaha

Nathan
Ako pa ba? Tsaka syempre class number mo yun eh...

Hannah Mae
Oh ano ngayon?

Nathan
Ah walaaaa. Hahahahha anyway kamusta pasko jan?

Hannah Mae
Ayun masaya, dami handa, ako nagluto fries! Hahaha

Nathan
Naks naman penge hahaha wait in game...

Hannah Mae
Ah sige.. ano yan dota? O lol?

***
Di pa siya nagrereply, busy na kakalaro. Haha oh well akalain mo nga naman grade six classmate ko naalala pa ko? Nice. Tsaka di siya awkward kausap ah infairness. Gusto ko pa naman palaging may kachat. Nagtataka ba kayo sa ugali ko? Medyo mahiyain pero gusto laging may kachat? Eh ako nga din nagtataka eh, weird ko noh? Chos nakakatamad kasi pag ang boring walang kausap. Teka nga replyan ko mga tropa ko.

CHAR
Angela
Hoy mga panget Merry Christmas!

Rian
Ganda ko kaya! Merry Christmas din!

Hannah Mae
Hahahaha ikaw na maganda Rian kamusta guys?

Seen by Carla Noreen and Charles

Hannah Mae
Sineen lang tayo nung lovebirds jan

*** 
Pm ko muna tong bespren ko mula high school na palagi ko kakwentuhan sa lahat ng bagay hahaha. Kkwento ko sakanya na may bago akong kachat! Hahaha aasarin na naman ako neto for sure.

Hannah Mae
Huy may bago ko kachat hahaha

Carla
Sino na naman yan?

Hannah Mae
Kaklase ko nung elementary XD wala bumati lang kasi pasko at omg nakakahiya napagkamalan ko siyang ibang taoooo.

Carla
Yieeee! Loljk eh kung si Mr. V nalang kaya ang chinachat mo?

Hannah Mae
Loka as if friend ko siya sa fb diba?

Carla
Bakit di mo kasi iadd eh friends naman kayo?

Hmm..Oo nga noh bakit nga ba di ko nalang iadd? Tutal peymus naman siya di naman siguro ako mapapansin nun. Baka accept lang siya ng accept sa fb, may chance pa kong mastalk siya! Aha! Hmm...

***
A/N: sino nga ba si Nathan Lazaro? Kahihiyan naman yung ginawa mo dun Hannah! Hahaha. Pero seriously hiyang hiya talaga ako nun dati! Hahaha but well, abangan natin ang story. Iaadd mo ba na si Mr. Violinist?

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon