NATHAN'S POV
Nagtext si Mae. Burol daw ng lolo niya ngayon. Nasa bahay na siya kasama mga tropa niya. Pinapapunta niya ko. Ako naman tong kinakabahan, ngayon ko lang mamemeet tropa niya. Si Carla palang nakikita ko na di ko naman alam kung boto sakin.
Pupunta ba ko? Pshhhh si Mae na nagrequest eh tsaka burol ng lolo ni Venric syempre makikiramay nadin ako. Kakamustahin ko si Venric. Kahit papano naging close din kami nung pinsan niyang yun.
Pagdating ko ang tahimik ng tropa niya tsss awkward naman. Nakakahiya. Wrong move ba na pumunta pa ko? Buti nalang tinawag ni Mae si Venric. Nagkamustahan lang kami tapos nagkwentuhan nalang kami ni Mae. Pansin ko pinagttripan ata ng mga tropa niya si Mae. Kanina pa sulyap ng sulyap samin wala namang sinasabi hanggang sa napagdesisyunan na nila na kumain sa mcdo.
"Oy wag ka mailang sakanila ha, sorry medyo awkward. Pinagttripan na naman ako ng mga yan eh hahaha lagi naman",sabi sakin ni Mae habang naglalakad kami papuntang mcdo. Bakit nga ba Mae tawag ko sakanya? Wala, sabi niya kasi ayaw niya ng second name niya eh para masanay sya, tsaka para special bwahaha.
Nung nasa mcdo na kami nanlibre si Mae pero naubos agad niya yung fries kaya tatayo na sana sya para umorder ulit.
"Tara Nathan order pa tayo"
"Sus kaya mo na yan mag-isa Hannah oorder lang eh.", sabi nung kaibigan niya, Angela ata pangalan nun.
"Oo nga iinterviewhin pa namin to eh hahaha", tawa naman ng tawa tong lalaki niyang tropa, mukang masama kutob ko dito ah.
"Hoy kayo Angela oorder ako, umayos kayo ha"
"Wag ka ngang OA, muka ba kaming mangangain?"
Pagkatayo ni Mae papuntang counter, sinimulan na nung Charles pag interview sakin...salitan sila nung Angela...
"Alam mo simula palang ayaw na namin sayo eh", wala naman akong nasagot kundi...
"Alam ko, siguro iniisip niyo pinaasa ko lang si Hannah"
"Oo eh yun ang tingin namin, na nagtake advantage ka lang sakanya nung nalaman mong may gusto na siya sayo. Tsaka ano ba talagang meron sainyo nung Arianna?"
"Gusto ko si Arianna, pero tingin ko one-sided lang yun"
"Eh akala ko ba nililigawan mo yung Arianna tapos bumabanat ka na kay Hannah"
"Hindi ko niligawan si Arianna."
"Ha?sabi ni Hannah eh. Para tuloy nagtwo time ka"
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Teen FictionSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...
