1 week later
"Akala ko ba tatalunin mo ko?"
"Andaya naman siyempre mas magaling ka sakin lalaki ka eh, counterstrike na nga lang"
Naglalaro kami ngayon sa TNC sa bayan. Sino kasama ko? Sino pa ba edi si Nathan. Kanina kasi nagtatalo kami sa chat, pinagmamalaki ko si Drow Ranger aka Traxex, favorite character ko sa dota na lagi kong gamit pag naglalaro kami ng iba kong kaibigan pag walang klase sa school. Siya naman syempre binibuild up sakin si Invoker. Best character daw yun kung dota lang ang usapan. Hanggang sa nauwi sa kitaan. Papakita daw niya sakin kung pano tatalunin ni Invoker yung pinagmamalaki kong Traxex.
Aminado naman ako di ako magaling sa dota, palagi lang ako binubuhat ng mga kampi ko. Pero nung nag-aya siya makipagkita edi go na! Sayang din chance lol hahahaha pero srsly palaban ako pag mga pustahan kahit alam kong matatalo din ako.
Nakita pa namin yung isa naming kaklase ng grade 6 sa comshop, inasar pa tuloy kami ng de oras. Wew, small world. Haha.
Sa huli syempre talo ako both dota and counterstrike. Pero siyempre sa CS napapatay ko din naman siya.
"Tara hatid na kita", pagpresinta niya.
"Di na malapit lang naman kami magselos pa si Arianna haha"
"Tss di ko nga alam kung may aasahan ba ko dun"
"Hayss kung ako sayo alamin mo din kasi worth mo. Alamin mo kung kelan ka may inaasahan o wala. Edi kung wala, bakit di ka maglet go? Marami pa naman jan eh"
Hint ko na sakanya yun na nandito lang naman ako para sakanya. Pero parang gusto padin niya talaga si Arianna. Tuloy lang kami sa paglalakad, pumayag nadin ako magpahatid.
"Ewan ko, siguro hindi pa ngayon. Baka kailangan ko lang ng panahon. Salamat ha, pag-iisipan ko maigi. Gusto ko nadin itigil hindi ko lang alam kung pano din sasabihin sakanya."
Nagpasalamat siya siguro kasi alam niya na may gusto ako sakanya pero suportado ko parin siya kay Arianna. Martyr ba? Well, uso yun ngayon guys hahaha.
"Wala yun. Pag-isipan mo ha. Hintayin natin yan. Suportahan kita"
Kwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa bahay namin. Di ko na siya pinapasok kasi nakakahiya kay papa, di talaga ako sanay magdala ng lalaki sa bahay. Haha.
Kinagabihan naopen na naman yung topic tungkol sa nararamdaman ko sakanya.
N: Bakit ba kasi ako? Madami namang ibang lalaki jan?
H: bakit ba hindi ikaw? Eh ikaw gusto ko eh
N: wala akong pangarap sa buhay, im a nowhere man
H: eh ano ngayon?tsaka anong sinasabi mong walang pangarap sa buhay. Ako rin naman wala pa eh. Edi nowhere girl din ako
N: tss masyado kang mabait para sakin.
H: wala akong pakialam im stubborn this wayyyy
N: sorry ha ang panget talaga tignan parang pinapaasa lang kita, di bagay sakin na may nagkakagusto sakin
H: lol okay lang naman ako eh wag mo ko intindihin... tsaka yung usapang pangarap ano bang gusto mo gawin sa buhay?
N: gusto kong magkaron ng banda
H: nice ayun naman pala eh edi may pangarap ka, wag na wag mo ngang sasabihing nowhere man ka lahat ng tao may kwenta.
N: salamat Mae ha bigyan mo pa ko ng konting time
H: sure wala yun basta ikaw
Ilang araw din naming di napag-usapan yung feelings ko. Random topics na uli. Masaya ako kasi di nagkaron ng ilangan samin kahit alam niya na may gusto na ako sa kanya.
***
Birthday na ni papa ngayon magkikita ulit kami nila mama, kuya Jacob, kuya Tristan at tita Arlene! Dito kami sa cubao magkikita kita, dumeretso na ako dito after school ko.
N: Pakisabi sa papa mo happy birthday!
H: Salamat! Nako nagdodota na naman kayo jan noh
N: eh wala pa naman pinapagawa eh, ayaw mo nun may kausap ka habang naghihintay ;)
H: sabi ko nga hahaha di boring, di tayo nauubusan ng topic eh noh
N: ang dami pala kasi natin similarities nakakatuwa haha
Dumating na sila mama sa Max's kami kumain ang sarap! Whooo hahaha post ko uli mga pictures sa instagram mamaya.
Anyway araw araw kausap ko parin si Nathan walang palya! Kahit nasa OJT siya palagi niya kong chinachat. Drafting Technology nga pala course nila. Ewan ko kung ano yun basta OJT daw sila this semester. Kain daw uli kami sa labas pagsweldo niya. Kinilig naman ako sa yaya niya.
Ewan ko sa tingin ko unti unti na kong nafafall sa kanya talaga. Bihira na namin mapag usapan si Arianna, kaya umaasa ako na sana sinunod niya nga yung payo ko nung nakaraan. Tingin ko kasi sasaktan lang niya yung sarili niya kung aasa lang siya sa wala.
*click*
*ringing*
Hala napindot ko yung call button!!!
Binaba ko naman agad. Bakit daw ako tumawag, siya nalang daw tatawag. >///<
Eeeeeeeeeehhhhhhh tumatawag na siyaaaaa sasagutin ko ba?
Syempre sinagot ko para di halatang kinikilig ako masyado...
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Dla nastolatkówSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...
