HANNAH'S POV
Start na ngayon ng 4th year namin sa college, 2nd sem. Ang bilis ba? Well, wala naman kasi masyadong nangyari. Si Mark at Arianna nabalitaan naming sila na daw dalawa months after nung double date namin. Sa wakas tinigilan na ko ni Mark. Si Rian at Charles dating ang status, ewan ko parang M.U. na ewan ayaw nilang umamin eh. Si Carla at Lucas staying strong naman. Si Angela ayun nabroken nung nalaman na may girlfriend na si Mark, aba ang babae naging crush din pala si Mark nung pinakilala ko sakanila. Si Nathan at ako? Ayun strong din! Parang kami na pero wala palang label.
"Huy Carla at Angela ano bang plano niyo, akala ko ba sasabay kayo kay Hannah sa pagiging Decemberian niya? Pano kayo sasabay kung hindi niyo itatake yung Risk Management at yung iba pang may prerequisite?," panenermon ni Rian Mae sa dalawa.
Nako buti pa tong boss namin ang sipag sipag. Pareho sila ni Charles na makakagraduate on time. Ewan ko ba kay Carla at Angela biglang nagloko. Minsan di pumapasok, ginaya na nila yung dating ako, pero ako pumapasok na ako. Naovercome ko na din yung fear of reporting ko. Si Angela matalino naman kaso tamad kasi minsan, si Carla naman parang nahawaan na din. Pero naiintindihan ko si Carla kasi talagang minamalas siya sa mga prof na nakukuha niya at nabigyan pa siya ng singko noon.
"Edi next year nalang ako, tanggap ko naman," sabi ni Angela. Binato ko nga siya ng hawak kong ballpen.
"Aray! bakit ba Hannah?"
"Sayang oras loka ka! Gusto ko nang magtrabaho noh," sagot ko sa kanya.
"Oo nga Angela pilitin natin makasabay kay Hannah sayang eh." Si Carla naman ang nagsalita.
Gumagawa ako ngayon ng schedule para saming tatlo. Ako, si Carla at Angela. Mas marami kasi kaming common subjects na naiwan kaysa kay Rian. Ako ang nag-aasikaso ng mga subjects na kukunin namin para maipilit na magkakasabay kami grumaduate kahit pa Decemberian. Tulungan kami sa pag-eenroll.
"Sige try natin ipilit."
Minsan naiinis nadin ako dito kay Angela, para bang pa-easy easy lang siya at walang pakialam kahit late grumaduate? Ako na nga tong nagpapakahirap mag-ayos ng sched para lang magkasabay sabay kami.
Madami akong kukuning subject ngayon sa ibang section, nako mukhang mahihirapan na naman akong mag-adjust. Masaya maging irregular oo, pero mahirap dahil kailangang ikaw lagi ang mag-adjust sa kanila. Sana hindi na uli ako sumpungin ng depression ko ugh.
Months later, napag-alaman kong hindi pala pumapasok si Angela dun sa subject na inenroll ko sakanya. Hays. Nanlumo ako. Sayang naman yung effort ko na mag-enroll sa kanya.
"Hey hindi mo na kasalanan kung mauna kang makagraduate sa kanila. Hindi sila nag-aayos eh, ginawa mo naman na yung best mo para sakanila."
Niyakap ko nalang si Nathan. Gusto kong umiyak. Nahihirapan na ko sa school. Nahihirapan na kong maging irregular. Tapos wag mong sabihing hindi ko pa makakasabay sa pag-graduate si Carla at Angela? Hindi ko kaya kung ggraduate ako na mag-isa at walang kakilala. Hindi ko maeenjoy. Motivation ko nalang ata sa paggraduate ko ay ang pagsagot ko kay Nathan after grad.
Natapos ang 2nd sem at bumagsak si Angela sa inenroll kong subject sakanya. Si Carla naman nagkaron uli ng problema sa subject niya pero kaya ko siyang isabay kung gugustuhin niya pagkasyahin yung subjects na naiwan niya sa next sem.
"Huy Carla sumabay ka na sakin, kaya mo naman ipilit yung subjects mo para sabay tayong Decemberian."
"Wag na Carla sakin ka na sumabay mahahaggard ka lang eh," sabat naman ni Angela.
"Sorry Hannah kay Angela nalang ako sasabay next year, baka di ko kayanin eh."
Wala na. Wala na kong kasabay grumaduate sa tropa ko. Malungkot na ang graduation ko. Pshh. Ni-congratulate na namin sila Rian at Charles kasi graduate na sila. Couple goals talaga tong dalawang to.
Mula nung nalaman kong wala na kong makakasabay na tropa ko sa graduation sa December nalungkot na ko. Feeling ko depressed na naman ako. Alam ko namang hindi nila kasalanan pero kung nag-effort lang din sila sana na magkasabay sabay kami, edi sana natupad yung gusto naming sabay sabay gagraduate.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako may depression gayong hyper naman ako at friendly? Ako din eh nagtataka din ako, pero naisip ko yung childhood ko. Nasanay kasi ako na mag-isa lang dati, bihira ako lumabas ng bahay para makipaglaro. Tsaka siguro pag pressured ako sa isang bagay ayun dun na ko sinusumpong ng anxiety ko.
Umattend ako ng graduation ni Nathan sa school nila. Natuwa nga ako kasi niyaya ako ng kapatid niya na sumama kasi di daw siya sasama kung di ako sasama. Para na ngang kami ang magkapatid ni Nerissa.
"Wag ka nang malungkot baby ang importante gagraduate ka padin, nauna lang kami ng konti."
"Thank you for always being here baby ah, nalulungkot lang talaga ako, wala na kong ganang pumasok next sem."
"Tss kaya mo yan, andito lang ako okay?"
"Oh ayan na pala sila Ally."
"Hi Hannah! Buti nakapunta ka!," bati ni Ally sakin. Medyo naging close ko nadin siya dahil nalaman kong hindi naman pala niya gusto si Nathan, tropa niya lang ito. Pero nagselos ako dati nung nalaman ko kay Nathan na hinug siya ni Ally nung nalasing to.
"Hannah! Nice supportive gf ang peg ah!," salubong naman sakin nila Erwin, Anthony at Francis.
"Gf kayo jan, di pa kami noh. Konting hintay nalang hehe"
Pagkatapos ng graduation nila inaya ako ng family nya na magdinner kasama sila. Natuwa naman ako kasi first dinner date ko to kasama ang family nya. Kinilig ako dun hehe.
Pero pag-uwi ko malungkot na naman ako. Bakit feel ko unti unti nang magkakawatak watak ang barkada. Sila Rian at Charles magtatrabaho na next sem. Tapos kami nila Angela at Carla magkakaiba na ng subjects na kukunin at di ko na sila makakasabay sa pag-graduate. Parang nakakawalang gana na pumasok.
~~~Dear diary, ang lungkot ko ngayon. I think im depressed once again. Nawawalan na ko ng gana lumabas ng bahay. I'd rather be alone than to get along with people. Namimiss ko na ang dating mga kulitan ng tropa. Pero ayoko naman silang kulitin sa chat. May kanya kanya na kaming buhay. Bakit ganun? Mas gusto kong mag-isa ngayon at ayaw ko kumausap ng mga tao... ano ba 'to...~~~
BINABASA MO ANG
My Soulmate (Completed)
Roman pour AdolescentsSoulmate? Totoo nga ba na may isang taong nakalaan na para satin? May nabasa ako na at the age of 18 nameet mo na daw ang taong pakakasalan mo someday. Pano kaya nila nasasabi yun? Yung sa akin kaya nameet ko na? Hay bahala na nga, well, let's see? ...