32. Bati na kami?

20 13 37
                                        

CARLA'S POV

Nagtataka kayo kung bakit hindi na chinat ni Nathan si Hannah? Well ako lang naman kasi ang kinukulit niya, hindi daw kasi nireplyan ni Hannah yung good morning niya, baka galit padin daw sakanya. Kinwento sakin ni Nathan sa chat yung nangyari sa chat nila kagabi ni Hannah. Nagpapatulong sakin. Aba close ba kami? Hindi, kaya nga nagulat ako kasi nagchat.

Sino nga naman ba ako para tumanggi? Ako lang naman ang bestfriend. Kaya chinat ko na si Hannah para simulan ang mahiwagang intervention.

Me:
Huy Hannah nagchat sakin si Nathan ah.

Hannah:
Oh alam mo na pala? Buti sayo nag chat

Me:
Oo, anong balak mo?

Hannah:
Anong balak? Hindi ba dapat siya ang may balak?

Me:
Ay naks gusto ko yan pabebe style

Hannah:
Tse wag ako Carla, ang hirap niya intindihin eh

Me:
Nagseselos daw siya kay Mark

Hannah:
Wala naman syang dapat ipagselos

Me:
Wala ba talaga?

Hannah:
I like Mark. But hanggang dun lang yun, alam niya yun.

Me:
Oh i seeeee

Hmmm alam ko na, pagkikitain ko nalang silang dalawa bukas ni Nathan after school, balita ko kay Mark wala daw silang ojt ng Monday this week eh. Ewan ko, may event ata sa office nila.

Kinabukasan, sabi ko kay Hannah magpapasama ako sa kanya sa ilog after school, may tiangge na kasi October na, sabi ko may bibilhin ako kaya magmeet kami sa freedom park.

"Oh kanina ka pa ba? Tara na", aya niya sakin. Pero wala pa si Nathan, ang tagal naman nun magpakita sabi niya sa chat andito na siya mababatukan ko yun.

"Ha? Teka langggg"

"Bakit na naman ba Carla?"

"Uy ohh", sabay turo ko sa likod niya. Sa wakas dumating din ang lalaki!

"Mae..."

"Carla tara na."

"Ewan ko sainyo mag-usap nga kayo!"

"Mae kausapin mo naman ako.", sabay hila niya kay Hannah.

"San mo ko dadalin, isasama ko si Carla."

"Please?" Sigurado bibigay na to si Hannah sa please ni Nathan. Tiningnan ako ni Nathan pati ni Hannah, tinanguan ko lang sila sabay upo sa may bench sa freedom park.

HANNAH'S POV

Sabi na nga ba set-up to eh, nakukutuban ko na si Carla eh, madali kong mabasa yang babaeng yan eh, tss. Tinulungan pa pala niya si Nathan, close ba sila? Ewan ko, sadyang mabait lang talaga kasi tong kaibigan ko.

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon