17. Panel Interview

60 28 70
                                        

HANNAH'S POV

Ilang araw nang nanliligaw sakin si Nathan. Araw-araw di siya nakakalimot sabihan ako ng i love you. At ako? Syempre hindi ko pa siya sinasabihan nun. Feel ko masyado pang maaga eh. Pero gusto ko siya. Gustong gusto ko na talaga siya. Pakiramdam ko eto na nga ata yung sinasabi nilang inlove ka.

"Hannah wala na ang lolo ni Venric. Bukas burol niya dito sa bahay ha.", sabi sakin ni tita.

Nagulat naman ako dun, nung isang araw lang ang lakas lakas pa ng lolo ng pinsan ko eh. Dito rin kasi sila nakatira sa bahay nila tita. Ako, si papa, si tita, si Venric, at si lolo ang magkakasama dito sa Marikina.

Pumasok na ko ng school, medyo malungkot. Biglaan kasi pagkawala ni lolo, bigla nalang di na nagising tapos bumubula na daw yung bibig. Sabagay matanda naman na nga kasi.

"Hannah punta nalang kami sainyo makikiramay kami.", sabi ni Rian

"Sure kayo? Okay lang kayo bahala"

"Sige tara tapos papuntahin mo nadin si Nathan at nang makilala na namin"

"Luh ayoko nga! Haha ewan kung pupunta yun"

"Dali na nang mameet naman namin yang manliligaw mo.", si Charles mukang may binabalak to kay Nathan ah nako.

Wala akong nagawa dahil gusto pumunta ng tropa sa bahay para makiramay. Tinext ko naman si Nathan...

Uy papunta kami sa bahay. Burol ni lolo. Punta ka?

Nagreply naman siya titignan daw niya. Pinakilala ko na ang tropa ko kila tita. First time lang kasi nila makapunta sa bahay, maliban kay Carla.

Maya maya dumating na si Nathan. Etong tropa ko naman tahimik, naghello lang kay Nathan tapos hinayaan na kami. Ako naman tinawag ko yung pinsan kong si Venric, close kasi sila ni Nathan. Ayun usap usap sila saglit. Tapos balik kwentuhan na ulit kami ni Nathan.

Yung mga titig naman ng tropa ko samin nakikita ko. Para silang ewan baka ma-op sakanila si Nathan eh. Ayoko pa naman maging ang awkward ang tropa-meets-suitor-day na to. Lols.

Hanggang sa pagabi na, nagpasya kaming tropa na kumain ng dinner sa mcdo malapit samin. Syempre kasama si Nathan. Pinagttripan talaga nila kami, habang naglalakad sila sa unahan namin susulyap sulyap sila samin lalo na si Angela at Charles.

Pagdating namin ng mcdo ayun sabi ko libre ko na sila ng bff fries hahahaha. At dahil patay-gutom ako, naubos ko agad kaya oorder ulit ako. Isasama ko sana si Nathan kaso sabi ng tropa wag na daw may itatanong pa daw sila.

"Hoy kayo Angela oorder ako, umayos kayo ah"

"Wag ka ngang OA, muka ba kaming mangangain?", sagot niya.

At wala na nga akong nagawa kundi umorder mag-isa. Habang nasa counter ako nakatitig lang ako sa kanila na pasulyap sulyap sakin. Kinakausap nila si Nathan. Waaaaahhhh baka kung ano ano na pinagtatanong nila dun, kawawa naman si Nathan. Bat ang haba naman kasi ng pila eh! Nako tinotoo na nila yung panel interview sa manliligaw ko.

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon