24. First...

42 23 56
                                    

HANNAH'S POV

Summer naaaa!! OJT na namin!! San kaya ako mag OOJT? Ah basta kung san si Carla dun nadin ako. 120 hours lang naman yung OJT namin this summer so keri lang. Pero bukod pa dun may summer class din kami. Shiftees kasi kaya kailangan namin maghabol ng subjects.

Nathan: baby mamimiss kita :(

Me: awww ako din huhu kelangan nyo ba talagang umuwi ng probinsya?

Nathan: oo eh tsaka tagal ko na din di umuuwi. Sana makabalik ako sa birthday mo

Me: sana nga. Huhu kita tayo bukas sulitin na natin bago ka umalis next week

Nathan: sige sige see you baby tambay nalang tayo sa ilog

Kinabukasan, nagkita uli kami sa freedom park tapos kumain sa mcdo. Favorite ko kasi sa mcdo hehe. Ako na yung umorder kasi sabi ko libre ko na, marami naman akong ipon eh sya tagtipid palagi kaya okay lang sakin. Pagbalik ko sa upuan namin nagulat ako may Blue Magic na karton sa upuan ko.

"Oh, para san to, anong meron ngayon?"

"Happy 28 ;) January 28 ako nagstart manligaw sayo diba, yun na lang muna icelebrate natin habang di pa tayo."

"Awww ang sweet naman neto. Happy 28 din!"

Dumeretso na kami sa riverpark, dito kasi kami palagi tumatambay pag walang magawa. Wala, lakad lakad lang o kaya bike habang nagkkwentuhan. Nung napagod na kami maglakad tumambay muna kami dun sa mga benches na puro puno sa tabi ng ilog.

Umupo na ko tapos nagulat nalang ako humiga siya sa lap ko hahaha wow first time may humigang lalaki sa lap ko. Nung sabi ko nangangawit na ko, sabi niya ako naman daw humiga sa kanya. Edi nagbaligtad kami ng pwesto. Sinusubukan niya kong ikiss sa lips pero tinatabig ko lang yung muka niya haha para kasing baliw puro kalokohan.

"Baby, anong nagustuhan mo sakin?", tanong niya.

"Hmm, siguro dahil masarap kang kausap, di boring, mabait ka, marami tayong similarities, may sense of humor, tsaka kasi sweet ka."

"Hindi dahil gwapo ako?"

"Ay ang kapal, akala ko seryosong tanong yun hahaha"

"Hahaha de joke salamat Mae ha. Hindi ko na maimagine buhay ko kung di kita nakilala ulit"

"Wag ka ngang bumabanat jan, pero seryoso mamimiss kita. Magiging busy ako sa school tsaka sa ojt namin."

My Soulmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon