Chap. 4
Kinabukasan, tulad ng dati maaga na namang pumunta si Red sa pamamahay ni Blue. Ngunit nagulat na lamang s’ya nang madatnan si Blue sa sala.
“Good Morning, Sir.” Bati ni Red.
Tumaas lang ang kilay ni Blue at pinagmasdan si Red.
Tuloy tuloy pumunta si Red sa kusina. Agad n’yang hinanap ang mga kakailanganin sa lulutuin na ulam para kay Blue.
“H’wag ka nang magluto, Red. Wala akong ganang kumain ngayong umaga.” Nagitla si Red at agad napaharap. Nasa kanyang likuran si Blue.
“Ah..eh..O-Opo.” Huminga ng malalim si Red.
“Maglilinis na lang po ako’t maglalaba.” Sabi ni Red habang nakatitig ng diretso kay Blue. Nahalata naman ni Red na tila walang tulog ang kanyang amo.
Akmang aalis na sana si Red nang hinarangan ni Blue.
“Sir, paraan naman po. Maglilinis na lang po ako.”
“Hindi Red. Mag-usap tayo tungkol sa nakita mo kagabi.”
Napalunok si Red sa sinabi ng binata.
DUB DUB DUB....kinabahan na si Red..at hindi n’ya maunawaan kung bakit.
“Sir, h’wag kayong mag-alala...Secret na lang namin ‘yon.” Agad na sinabi ni Red. Ngunit hinawakan ni Blue ang kanyang kamay at pinaupo ito sa mesa.
Umupo rin si Blue. Nagkaharap silang dalawa.
“Ano man ang nakita mo kagabi..nagkatuwaan lang kami ng mga kaibigan ko. Hindi naman parating ganun eh. Hindi maiwasan na...Minsan umaabot ang kalokohan namin sa....ganung bagay.”
“Ay, Sir. Hindi ko naman kayo tinatanong kung bakit ginawa n’yo ‘yon. Tsaka, wala akong pakialam..Trip n’yo ‘yon.”
Napapikit ng mata si Blue.
“Okay, gusto ko lang linawin. Ayaw ko kasing mag-isip ka na..” Hindi tinapos ni Blue ang sasabihin..
“Na MALIBOG KAYO? Ha ha ha ha ha..Sir, lalaki kayo normal ‘yon. Alangan naman umatras kayo sa PAGKAING NAKAHANDA SA HARAPAN N’YO. EH, DI SUNGABAN N’YO NA LANG TUTAL SILA NAMAN ANG LUMALAPIT..HINDI KAYO.”

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomansaIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...