Chap. 5

6.7K 221 5
                                    

Chap. 5

Nagmamadaling pumasok si Blue sa loob ng kanyang pamamahay. Kasabay ng malakas n’yang tawa. Alam n’yang galit na galit si Red sa kanyang ginawa.

“ Yes! I made it. Bwahahahahaha....Ako na! Ako na muli ang nakaFIRST BASE sa kanya.” Tuwang tuwa si Blue. Napahawak s’ya sa kanyang labi.

Samantala, gustong gusto ni Red na sugurin si Blue sa pamamahay nito. Ngunit naisipan n’yang naghahabol s’ya ng oras dahil sa pupuntahan.


“Humanda sa akin ang mokong na ‘yon bukas..matatamaan s’ya sa akin! BWISIT!!!!!!” Gigil na gigil si Red na masapak si Blue. Habang pinupunasan nito ang labi sa pamagitan ng kanyang T-shirt.

Pagkaraan ng isang oras nagmamadaling umalis si Red. Tinungo ni Red ang Club na pinapasukan ni Chai at nagsimulang maglinis doon. Mabilis natanggap ni Red ang pera pagkatapos ng kanyang trabaho. Habang naglalakad si Red napadaan s’ya sa Parlor na pinapasukan ni Oliver.

“Ateng ba’t nandito ka?”

“Magpapaputol ako ng buhok..humahaba na eh.”

“Ateng, nakaraang buwan ka lang nagpaputol..maiksi pa naman ang buhok mo.”

“H’wag ka na ngang epal. Basta’t gawin mo na lang gusto ko.”

“Oo na, sige na nga.”

Maiksi ang buhok ni Red. Nakasanayan na ni Red ang pixie haircut kaya kadalasan nagpagkakamalan s’yang lalaki.

“O ayan, mukha ka namang boylets. Kelan kaya kita makikitang mahaba ang buhok?”

=Oliver

“ Ayaw ko ng mahabang buhok..sagabal sa akin.”

“Naku, Ateng paano ka papansinin ng mga boylets kung parati kang ganyan. Hindi ka magkakasyota. Eh, kahit kapwa mo Mujer hindi ka papansinin.”

“Hoy Bayot, sa kahirapan ng buhay natin..UUNAHIN KO PA ANG PAGLALANDI? Kung maglalandi man lang ako SISIGURADUHIN KONG MAGKAKAPERA AKO. UUNAHIN KO MUNA ANG SIKMURA NATIN..MAHIRAP MALIPASAN NG GUTOM..NAKAKABALIW ‘YON.”

“Ateng bakit puro PERA nalang nasa utak mo?”

“GAGA! Magpakatotoo tayo dito. Hindi tayo mabubuhay sa imagination.”

Binigyan ni Red ng pera si Oliver para pambayad sa pagputol ng buhok ngunit hindi tinanggap ni Oliver.

“H’wag na Ateng. Ibabawas na lang sa sweldo ko. Umuwi ka na at magpahinga dahil alam kong marami ka na namang hahakuting bakal sa tabi-tabi.”

“Salamat.” Sabay kurot ni Red sa pisngi ng pinsan.

==================================

Umuwi si Red sa kanilang bahay; kinuha ang kanyang bisikleta na may sidecar. At muling lumabas si Red at pinuntahan ang mga tindahan, karinderia at mga bahay bahay; upang makakuha ng mga bakal, plastik, bote, lata at karton. Hindi inisip ni Red ang init. Tuloy lang ang kanyang ginagawang pangungulekta.

Ilang beses pabalik balik si Red. Hanggang nakaramdam s’ya ng pagkagutom saka lamang s’ya hihinto. Bawat nakukulekta ni Red ay inilalagay n’ya sa isang bakanteng bodega sa likod ng kanilang bahay.

“ Ayos, marami akong nakuhang lata at bakal. Marami akong gagawin ngayon. Hindi ako makakapunta sa bahay ni Blue. Manigas s’ya walang magluluto sa kanya. Sabagay mapera s’ya, umorder na lang s’ya ng pagkain.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon