Chap. 12

6.1K 172 5
                                    

Chap. 12

Umuwi si Red sa kanilang pamamahay. Hindi n'ya lubusang mawari na inamin n'ya ang nararamdaman n'ya kay Blue.

Pangiti ngiti pa s'ya nang pumasok sa kanilang bahay. Inabutan n'yang naglalagay ng facial mask si Oliver. Habang si Chai naman ay nagbubunot ng kilay. Si Aling Meding ay tuwang tuwa naman sa dramang pinapanuod sa tv. Tila hindi nila napansin na matagal nang nakatingin sa kanila si Red.

"Wow, seryoso yata ang lahat. May kanya kanyang mga pinagkakaabalahan. Pa -share naman."

Napalingon ang tatlo sa pinto.

"Ateng, halika dito. Binigyan ako ng Koreanang nakilala ko sa Parlor kanina. Eto ang dami kong facial mask galing Korea. Sabi ng Koreana marirefesh ang mukha mo nito. Try mo."

Inabot ni Oliver. Tinignan naman ni Red.

"Oo nga, simula ngayon syota ko na si Blue. Dapat maganda ako sa mga mata n'ya. Dyahe naman! Nakalimutan kong dapat pala maganda ako. Ba't hindi ko nga pala naisip 'yon. Pa'no ba 'to? Wala akong alam sa mga cheche buretche ng mga pampaganda sa mukha." Napaisip ng malalim si Red.

"Oliver, turuan mo nga ako sa mga kaek-ekan na tinatapal mo sa mukha. Para naman kahit papano gumanda ang magaspang kong mukha."

-Red

"Himala! At nagkaroon ka na ng concern sa 'yong malakalabaw na balat! Ha ha ha ha ha ha ha..Anong masamang hangin ang nalanghap mo sa RECYCLE CENTER?"

-Oliver

"Ulol! Hoy, kahit papano concern ako sa balat ko. At may pag-asang gumanda. Eh, ikaw ang tagal mo nang nagpapaganda..WALA PARING NANGYAYARING PAGBABAGO SA MUKHA MO." Napanguso si Red.

"Ateng, dapat noon mo pa naisip 'yan. Susme, sa kuko mo palang aabutin ako sa paglinis n'yan ng mga ilang araw. Tapos, ang mukha mo mauubos ang ESKINOL AT PAPAYA SOAP bago kikinis ang kutis mo. Palibhasa pinabayaan mo. Pasalamat ka nalang at walang kang pimples..kung hindi SCOURING PAD ang gagamitin ko para pumuti ng kunti ang mukha mo."

PAK!

Isang sapak ang tumama kay Oliver.

"Walang hiya ka! Pinsan ba talaga kita? Kung manlait ka akala mo HINDI TAYO MAGKADUGO." Nanggagalaiti si Red.

Humagapak ng tawa si Chai.

"Ikaw naman. Sabi ni Sir Blue pwede kang magtrabaho doon sa kanyang Jewelry shop." Sabi ni Red kay Chai.

"Ayaw ko. Kasi hindi tatakbo ng matino ang utak ko kung sakaling dumating si Gray."

"Ayyyy! May pangarap din ang loka kay Gray. Inamin na rin. Dios ko po!" Sabay halakhak ni Oliver.

"Basta ako sa akin lang si Sir Blue. Period." - Oliver

"Hoy, Oliver malas mo lang...may nakauna na sa 'yo." Sabay ngiti ni Red.

"Sino at sasabunutan ko?" Dagdag ni Oliver.

"AKO." - Red

"ANO?!!!" Sabay nasabi ng dalawa. At halos napatigil sa kanilang mga ginagawa. Mabuti nalang at walang kamalay malay ang matanda dahil tutok na tutok sa tv.

"Ateng! Bakit mo s'ya inahas sa akin? Ikaw ngayon ang tatanungin ko..PINSAN NGA BA KITA? INAGAW MO SA AKIN ANG AKING ASAWA." Sabay halakhak ni Oliver.

Hindi magawang ngumiti ni Red. Samantala si Chai parang ayaw maniwala sa narinig..

"Ateng, hindi ka ba nagbibiro?" - Chai

"Oo. Bakit? Hindi ba pwedeng mahalin ko rin s'ya? Mahal naman n'ya ako eh."

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon