FINAL CHAP.
PAALALA : SUPER HABA ANG CHAPTER NA 'TO. DULING DULING NA ANG MATA KO. KUNG MAY PAGKAKAMALI SA SULAT KO..PAGTIISAN NA LANG.
Nagulat din sina Danilo ng dumating si Gaston kasama ang ina nito. Nasa tapat ng Gate ang dalawang sasakyan. Habang tanaw nila ang bahay ni Red.
“Paano n’yo natunton ang lugar na ‘to?” Tanong ni Danilo kay Gaston.
“Sinundan namin ang sasakyan n’yo kanina. Papunta talaga kami dito nang makita namin ang sasakyan n'yo.” - Gaston
“Naparito ka ba dahil kay Red at sa bata?” - Danilo
“Oo, Tito. Magpapaliwanag ako sa kanya.”
“Danilo, malaki na ang gulong nangyari..kailangan magsama sama tayong lahat na makumbinsi si Red. Ano man ang masamang mangyari kay Blue..HINDI NATIN KAYANG BAGUHIN. KAYA HABANG MAAGA..TAPUSIN NA NATIN ANG HIDWAANG ITO.”
-Laida
Napalingon silang lahat nang may humintong sasakyan.
“Blue..” Agad na lumapit sina Howard at Danilo sa sasakyan.
“Ba’t ka pa pumunta dito? You must stay at the hospital.” Agad inakay ni Danilo ang anak.
“I’m okay.Hindi lang naman sina Gaston..Mama at Claudine ang may kasalanan dito..HIGIT NA AKO.” Mahinang boses ni Blue. Na tila hinahabol nito ang paghinga.
BUZZZZZZZ BUZZZZZZ
Mula sa bahay lumabas si Aling Meding.
“Dios ko..Blue..anong ginagawa n’yo dito? Halika kayo, pumasok kayo. Malamig ang hangin dito sa labas..”
Agad pinapasok ng matanda ang mga panauhin.
Nang makapasok sila sa loob..Tamang tama lumabas sina Oliver at Chai. Maging sila ay nagulat sa pagdating ng grupo.
“Kumain na ba kayo? Sandali lang ipaghahanda namin kayo ng pagkain.” Nagmadaling pumunta ng kusina ang tatlo. Habang pinaupo ni Howard ang mga kasama.
Napansin naman nina Gaston na tila sanay si Howard sa loob ng bahay. Agad nitong hinanap ang 3 bata.
“Lynux...Lyon..Viola...” Umakyat si Howard sa pangalawang palapag ng bahay.
Ilang sandali muling bumaba si Howard.
“Tulog pa ang mga bata.” Sabi nito.
“By the way, kapatid ni Agnes ang asawa ni Red...si Leonard Gustavien. Katulad mo rin Blue may sakit si Leonard na Leukemia. He was my best friend. Matigas ang ulo ni Leonard na magpagamot gawa narin ng kanyang personal problem noon. Huli na bago s’yang magdesisyong tumanggap ng Chemo..pero bago paman nahuli ang lahat sa kanya..nakilala n’ya si Red.
That was the time when Red was so desperate and longing for Viola. Leonard and Red fell in love to each other. And since Leonard wanted to help her..he proposed marriage. It was a hearbreaking moment when Leonard was dying. Nagkaroon sila ng anak na kambal.. at parehong lalaki. Hiniling ni Leonard kay Red na hanapin si Viola..upang magsama sama ang magkakapatid.“
Salaysay ni Howard.
“Leonard Gustavien..s’ya pala ang asawa ni Red. Kuya, ang singsing na dinisenyo mo na para kay Red..s’ya ang bumili nun.”
Parang may kumirot sa dibdib ni Blue..Hindi n’ya akalaing minsan n’ya nang nakausap ang lalaking naging kahati n’ya sa puso ni Red. Ang lalaking bumago sa pagkatao ni Red. At bumura ng lahat ng pagmamahal na meron si Red sa kanya. Ngayon hindi n’ya alam kung may natitira pang kakarampot na pagmamahal ito.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomansaIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...