Chap. 22

4.4K 145 7
                                        

Chap. 22

AN : Bago ko simulan ang chapter na ‘to..Pasensya na po kung mabagal ang update ko kasi busy lang po talaga. BIBILISAN KO NG KUNTI ANG PANGYAYARI..MAGFOCUS MUNA TAYO SA MGA MAGAGANAP SA BUHAY NINA BLUE AT RED HABANG MALAYO SILA SA ISA’T ISA...



Habang nasa Amerika si Blue, hindi nag-aksaya ng panahon si Gaston na gumawa ng sariling hakbang upang mapalapit kay Red. Walang araw na hindi dumadalaw si Gaston sa bahay ng dalaga. Nababatid ni Red na merong pakay si Gaston sa kanya.

Minsan habang pauwi si Red..

“Red..” Napahinto si Red nang makita n’yang nasa likuran n’ya si Gaston.

“Sir Gaston..kayo po pala. Bakit po?”

“Ahmm..kanina pa kasi kita hinihintay eh. Katunayan nga galing ako sa bahay n’yo. Sabi naman sa akin ni Nanay Meding na may pinuntahan ka daw. Kaya inabangan nalang kita dito sa labas.”

“May kailangan po ba kayo?”

“Wala naman..ano kasi....pwede ka bang mayaya ulit para kumain mamaya sa labas?”

“Ah..eh..may trabaho pa po kasi ako. Medyo busy po ako ngayon.” Agad na sagot ni Red.

Batid ni Gaston na iniiwasan lamang s’ya ng dalaga kaya..

“Hindi ba talaga pwede? May sasabihin kasi sana ako sa ‘yo na importante eh.”

“Ah..tungkol saan?”

“Hindi ko sasabihin. Gusto ko kasing masinsinan na usapan eh.” Kinabahan si Red nang marinig ang sinabi ni Gaston.

“Importante po ba?”

“Hindi naman gaano. Pero para sa akin..mahalaga.” Sa sinabi ni Gaston naintriga si Red. At napaisip.

“Sige, pambibigyan ko po kayo. Pero limitado ang oras ko.” Sabi ni Red. Napangiti naman si Gaston.

RED’S POV

Ano kaya ang sasabihin ng lalaking ito? Babalitaan kaya n’ya ako tungkol kay Blue. Pero parang hindi eh. Pero mabuti na rin na mag-usap kaming muli. At nang malaman ko kung ano talaga ang IMPORTANTENG SASABIHIN N’YA. Mukha kasing seryoso ang dating ng boses n’ya. Mmmmm...kabado ako sa kinikilos ng mokong na ‘to.

GASTON’S POV

I think I’m in the right move. I need to tell her about my feelings. Walang masama. Gusto kong iparating sa kanya na may nagmamahal sa kanya maliban kay Blue..na umaasa na mapansin n’ya..na naghihintay NA TUGUNAN N’YA NG KUNTING PAGMAMAHAL. KAHIT PANSAMANTALA..

-------------------------------------------------

Gabi..sinundon ni Gaston si Red sa bahay nito. Lumabas si Red na nakabistida. Ayaw sanang magsuot ng bistida si Red; ngunit napilitan na lamang ito dahil sa pagpipilit nina Oliver at Chai. Ang mga pinsan narin mismo ang nag-ayos sa kanya upang maging presentable ito sa pupuntahan; habang kasama si Gaston.

At maging si Gaston ay parang hindi makapaniwala sa ayos ni Red. Napakasimple ngunit lutang ang ganda nito. Sinong mag-aakalang isang babaeng namumulot lamang ng basura ang makakasama ni Gaston.

“Sir..yohooo! Saang planeta na ang narating n’yo? Kanina pa kayo nakatitig sa akin. Tunaw na tunaw na po ako.”

Nanatiling nakatutok ang mga mata ni Gaston sa babaeng kaharap nito.

“Hoy!” Ginulat ni Red ang binata. Saka lamang ito bumalik ng katinuan. Napakamot naman ng ulo si Gaston.

“Pasensya ka na Red. Nanibago kasi ako sa ayos mo..”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon