Chap. 16
Isang umaga, maagang nagising ang ina ni Blue. Naisipan n’yang pumunta sa silid ng kanyang anak. Sinubukan n’ya sanang katokin ang silid ni Blue ngunit bumukas ang pinto.
Nang makalapit si Maam Imelda sa anak laking gulat n’ya nang..biglang hinawakan ni Blue ang kamay nito at..
“Red..I need my vita....” Nagulat si Blue nang makita ang ina..
“Ma?”
“Anong kailangan mo kay Red?”
“Ah..eh...ano kasi..ammm..may pinapabili akong vitamins..tapos..” Hindi na alam ni Blue kung anong sasabihin. Napapaisip s’ya sa idudugtong na rason sa ina.
“Anong klaseng vitamins ang iniinum mo?”
“Vitamin E.”
Agad bumangon si Blue at tinungo ang banyo. Iniiwasan n’ya ang susunod na itatanong ng ina. Biglang pumasok si Red..
“Blue..” Nagulat si Red nang inabutan ang ina ng binata sa loob ng silid nito.
“Maam, si... Sir Blue...po....nakahandan na po ‘yong pagkain..” Nakadama ng kaba sa dibdib si Red habang nakatitig sa kanya ang ina ng binata.
“Nakabili ka ba ang vitamin ni Blue?”
Napakunot ang noo ni Red sa tanong na ‘yon. Nagsimulang mag-isip si Red kung anong isasagot sa ina ni Blue.
“Ah..eh..wala po..kasi wala po sa tindahan..” Kumakalabog na ang dibdib ni Red.
“Anong klaseng vitamins ‘yon na wala sa tindahan? Siguro naman may nabibili sa botika..Use your common sense, Red.” Umirap ang ina ni Blue habang inaayos ang higaan ng anak. Napalunok si Red at napayuko.
“Whew! Hindi ko ito inaasahan.” Huminga ng malalim si Red at agad lumabas sa silid. Nakasalubong naman n’ya si Claudine.
“Good Morning po Maam..nakahanda na po ang pagkain.”
“Si Blue gising na ba?”
Tumango si Red.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...