Chap. 1

18.1K 308 20
                                        

AN : PAALALA LANG PO..ANG KWENTONG ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. H'WAG DIBDIBIN. DON'T EXPECT THAT THIS STORY IS GOOD. THIS IS JUST FOR FUN. NGAYON KUNG GUSTO N'YO NG MAGANDANG STORY AT HINDI TANGGAP NG MGA KUKUTE N'YO ANG KWENTO ...H'WAG N'YO NANG ITULOY PA.  AT HIGIT SA LAHAT PARA HINDI KAYO MAGING MUKHANG TANGA..H'WAG N'YO NANG ABUTIN ANG EPILOGUE. 

Chap. 1

Madaling araw, sa isang maliit na bayan ng Santa Catalina.

“ Hoy, Red! Gising na...kailangan mo nang bumangon at ihatid ang mga sako ng bote doon kay Mr. Kang.” Niyuyugyog ni Chai ang kanyang pinsan. Nagulat naman si Red sa lakas ng pagkayugyog kaya..

“May lindol!” Sabay bangon ni Red.

“Um!” Sabay sapak ni Chai sa ulo ng pinsan.

“Aray! Pisting Yawa-a ka ( Pagmumura sa Bisaya ). Okay, lang na sigawan mo ako..h’wag mo na akong batokan. Umalog alog ang utak ko.” Napangiwi si Red habang hinihimas ang ulo.

“Amaw! ( Bisaya expression ) h’wag ka na ngang mag-inarte. Bilisan na natin. Mauunahan tayo ng ibang kakompitensya natin d’yan. ”

“Oo na. May kape na ba tayo at pandesal ?” Tanong ni Red.

“Wala nga eh. Kaya maaga nga tayong pumunta doon kay Mr. Kang at maibenta na natin ang mga BASURA na naipon natin. At para makabili tayo ng makakain natin ngayong araw.” Sagot ni Chai habang nagsusuot ng pantalon nito.

“ Hoy mga Ateng, nagtoothbrush na ba kayo? Baka mamaya himatayin si Mr. Kang sa amoy ng bunganga n’yo. Magsipilyo naman kayo pagmay time.” Biglang singit ni Oliver na isa rin nilang pinsan.

“Hoy Bayot ( Bading ) mas mabaho ‘yang hininga mo. Try mo kaya magmumog ng nilagang dahon ng BAYABAS...kasi yong bacteria ng bunganga mo hindi na kakayanin ng ordinaryong TOOTHPASTE..’yong dahon ng bayabas may ANTIBIOTIC ‘yon..Wapak! patay ang germs.”

Lumapit si Red at sabay hiningahan si Oliver.

“HOOOOOOOOOO...”

“Gwakkkkkkkk!” Sigaw ni Oliver..

Tawa ng tawa si Chai sa dalawa.

Tinungo ni Red ang banyo at naghilamos. Nagsipilyo at nagbihis.

Magmula sa pagkabata nina Red, Oliver at Chai, namuhay sila sa kahirapan. Pareho silang ulilang lubos sa mga magulang at ang kanilang matandang dalaga na tiyahin ang nagpalaki sa kanila.

“Nanay, aalis na ho kami. Kailangan maihatid namin itong mga bote, karton, at mga bakal kay Mr. Kang. Babalik ho kami kaagad.” Paalam ni Red sa kanyang Tiyahin.

“O sige mag-ingat kayo. Alam n’yo namang may mga tambay d’yan sa tabi-tabi.”

“Opo.” Sabi ni Chai.

“Subukan nilang humarang sa dinadaanan natin hihiram sila ng mukha sa asong kalye.” Bulong ni Red.

“Ano bang meron sa kariton mo?” Tanong ni Chai.

“Secret.” Sabay irap ni Red.

At tuluyang lumabas ang dalawa sa kanilang bakuran. Tuluyan nilang tinutulak ang kanilang kariton.

Nasa harap ng isang malaking bahay ang barong barong na tinitirahan nina Red. Nakita ni Red na bukas ang ilaw ng balkonahe ng malaking bahay.

“Gising na yata ‘yong  amo ni Nanay.” Sabi ni Chai.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon