CHAP. 37
AN : PASENSYA NA SA CHAPTER NA ITO.
Natataranta ang lahat na isugod sa hospital si Leonard. Nalilito si Red sa mga nangyayari. Habang dobleng kaba ang nararamdaman ng mga magulang ni Leonard at mga kapatid nito.
“Nay, anong nangyayari sa asawa ko? Sasama ako sa hospital..” Pagpipilit ni Red. Habang nakikita nito na isinasakay si Leonard sa ambulansya.
“H’wag ka nang sumama kasi hindi makabubuti sa ‘yo.” Sabi ni Oliver.
“Hindi ayaw ko. Kailangan ako ng asawa ko. Bitawan n’yo ako.” Sigaw ni Red habang umiiyak.
“Red, ako na ang bahala..dito ka lang. Maliligtas si Leonard.” Sabi ni Agnes habang nagmamadaling pumunta sa kanyang sasakyan.
Naiwan si Red kasama ang mga magulang ni Leonard at ilang kamag-anak nito.
“Anong bang nangyayari sa asawa ko? Sabihin naman ninyo sa akin.” Malakas na pahagulgol ni Red. Inakay si Red ng ina at ama ni Leonard. Pinapasok si Red sa loob ng silid nito sa mansyon.
Takot na takot si Red habang napapaisip kay Leonard.
“Red, makinig ka lakasan mo ang loob mo. Hindi lang ikaw ang natatakot kami rin.”
Niyakap ng ina ni Leonard si Red at maging ang ina ni Leonard ay hindi matigil ang pagluha nito.
Hindi alam ng matatanda kung paano ipapaliwanag kay Red ang nangyayari sa kanilang anak.
“Sabihin n’yo sa akin ang totoo..may tinatago ba si Leonard sa akin? Bakit ang bilis n’yang magdesisyon na madaliin ang kasal namin?”
“Anak...h’wag kang mabibigla...MAY SAKIT SI LEONARD.”
“Anong sakit?”
“Meron s’yang Cancer..akala namin gumaling na s’ya. Pero matapos ang dalawang taon..muling bumalik ang sakit n’ya. Kaya kailangan n’yang magpachemotherapy. Pero hindi s’ya nakinig sa payo ng kanyang doktor. Dala narin nang masaktan s’ya ng dati n’yang nobya.Nagkaroon sana sila ng anak ng kanyang nobya; subalit pinalaglag nito sa kadahilanang hindi pa handa ang babae. At higit sa lahat may karelasyon ito sa iba. Simula noon, sinanay ni Leonard na ilayo ang sarili sa amin at sa kanyang mga kaibigan. Kaya s'ya nagpatayo ng sariling bahay. ”
Maliwanag na sa isip ni Red ang totoo. Pakiramdam n’ya muli na naman napupunit ang kanyang puso.
“May pag-asa pa ba s’yang gumaling? Gusto kong makita ni Leonard aming magiging mga anak. Hindi ko na kaya ito...hindi ko na kaya....”
Muling humagulgol si Red.
“Red, hindi namin alam. IpapasaDios na lang namin ang lahat.” Sagot ng ina nito.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...