Chap. 34

3.9K 137 12
                                        

CHAP. 34

Maagang gumising at nagsimulang maglinis ng bahay si Red; alam n’yang tulog pa si Leonard. Nagluto narin s’ya ng makakain ng kanyang amo. Ilang sandali lang narinig n’ya ang pagtawag nito ng kanyang pangalan..

“Red, Good Morning.” Pababa si Leonard sa hagdan.

“Good Morning po. Nakahanda na po ang pagkain n’yo Sir. Kumain na po kayo.”

“Ako lang ba ang mag-isang kakain? Sabayan mo na ako.”

“Ah..eh...okay lang po ako. Tsaka, hindi pa ho ako gutom.”

“Red, hindi kana iba sa akin. Kaibigan ang turingan nating dalawa. Kaya pwede ba, h’wag mo na rin akong tawaging Sir...just call me DODONG. ‘Yon naman talaga ang palayaw ko. Yaya ko dati ang nagbigay ng palayaw sa akin. Hanggang nakasanayan na.”

“Ganun po ba...sige.”

Naupo na si Leonard. Hinintay n’ya si Red na maupo na rin.

“Anong pang hinihintay mo? Halika na sabayan mo ako.” Agad hinawakan ni Leonard ang kamay ni Red kung kaya’t napaupo ito.

Nagsimula silang kumain. Hanggang may natirang isang kapirasong Hot dog.

“Kainin mo na rin. Sayang naman at may matitira pa.”

“Hindi..sa inyo na lang po.”

“Go ahead. H’wag mo akong alalahanin.” Tinusok ni Leonard ng tinidor ang hot dog at sinubuan si Red. Ayaw sanang kagatin ni Red ngunit..

“Ahhhhh.... Kagatin mo na.” Utos ni Leonard. Kinagat rin naman ni Red.

Ngumuya si Red. Habang nakatingin kay Leonard. Pakiramdam ni Red natutuwa pa si Leonard sa ginawa nito.

Muling sinubuan ni Leonard si Red. Ngunit kinagat din ni Leonard ang hotdog.

TSUP

Napadilat ang mga mata ni Red. At tila bumara ang pagkain sa kanyang lalamunan. Agad napainum ng tubig si Red at tumayo.

Mabilis na lumabas si Red. Nanlamig ang kanyang mga kamay kasabay ng isang malakas na kabog sa dibdib.

Biglang rumihestro sa kanyang isipan ang minsang nangyari sa kanila ni Blue ang ganung eksena. Napahawak si Red sa kanyang dibdib. Hindi n’ya alam kung bakit naisipan ni Leonard ang bagay na ‘yon..

Nagitla s’ya nang may humawak sa kanyang balikat..

“Red..I’m sorry...ano kasi...”

“H’wag..h’wag mong ulitin. H’wag mong simulan..At h’wag na h’wag kang pumasok sa buhay ko. Ayaw kong madamay ka sa kamalasan ko sa buhay.”

“Malas? Hindi malas, Red. Walang malas sa buhay mo. At hindi malas ang makilala ka. Ganun ba ang pagtingin mo sa sarili mo?”

“Oo! Kaya pwede ba, iwasan mo na lang. Dong, mabuti kang tao. Ayaw kong pati ikaw madamay sa problema ko.”

“Red..ang liit ng problema mo. ‘Yong problema mo pwedeng ayusin at itama. AKO..HINDI PROBLEMA ANG KINAKATAKUTAN KO..HIGIT PA SA PROBLEMA.”

Nakita ni Red ang matinding takot sa mukha ni Leonard.

“Hindi kita nauunawaan...”

Umiling si Leonard. At tumingin sa ibang direksyon.

“Ang problema mo ay KUNG PAANO MO MAKUKUHA ANG ANAK MO. ANG NASA ISIP MO NGAYON AY MAGKAROON NG SAPAT NA PERA PARA MAY MAIPUNDAR KA. ALAM MONG MAHIRAP GAWIN ANG MGA BAGAY NA ‘YON. AT MALAYONG MAGKATOTOO.”

Narinig na lamang ni Leonard ang paghinga ni Red...sabay ang paghikbi.

“Dong, pwede h’wag mong ipamukha sa akin na talagang WALA NANG KASIGURADUHAN ANG LAHAT..KUMAKAPIT PARIN AKO..NANINIWALA.. ” Napaluhod si Red at humagulgol.

Tila nababasag ang puso ng binata ng makita ang pag-iyak ni Red.

“H’wag mo nang hintayin kung kelan mangyari ‘yon..RED I NEED YOUR HELP. KUNG GUSTO MONG MAPABILIS ANG LAHAT..YOU HAVE TO AGREE WITH MY PLAN.”

“Takot na akong maniwala sa inyong mga mayayaman.”

“Red, hindi kita bibiguin.”

“Anong kailangan mo?”

“MARRY ME.”

“Nahihibang ka ba? Alam mo naman ang totoong buhay ko.”

“Hindi ko tinatanong ang nakaraan mo.”

“PUTCHAX! tumigil ka nga. Pinapalala mo ang sitwasyon.”

“ Wala akong panahon para manligaw pa sa ‘yo. ALAM KO NAMANG HINDI KA MASAMANG TAO.”

Tinakpan ni Red ang kanyang magkabilang tenga. Hinawakan ni Leonard ang balikat ni Red.

“Kung gusto mong makuha ang anak mo..MARRY ME. I DON’T CARE IF YOU DON’T LOVE ME.”

“Pati pagmamahal nabibili narin ba, Leonard?”

“ Kung kinakailangan. Kahit peke pa ito, bibilhin ko. Bawat oras sa akin mahalaga..Paliit ng paliit ang lahat sa akin. Kaya bago maubos ang oras ko..ACCEPT MY OFFER.”

Hindi maunawaan ni Red kung bakit nasabi ni Leonard ang mga bagay na ito.

“ Ipapaalam ko sa mga magulang ko ang lahat Red.Just agree with me and everything will change. But there is one thing you need to have...”

“Ano?”

“I need a child.”

Nakapagsalita si Red. Tila nanigas ang buong katawan ni Red. Naging bakante ang utak n’ya. Naramdaman na lamang n’ya ang mainit na labi na humalik sa kanya.

“..Just say YES.”

“ Leonard...”

“Red, hindi mo lang alam kung BAKIT AKO NAGKAKAGANITO? RED, H’wag mo akong biguin. Takot akong muling mabigo. I BEG YOU.”

------------------------------------------------------------------------

Maraming katanungan ang bumagabag kay Red. Hindi n’ya maunawaan ang sarili kung tatanggapin ang inaalok ni Leonard sa kanya. Napapaisip s’ya kay Viola. At higit sa lahat napapaisip din s’ya sa hinihingi ni Leonard sa kanya na ANAK.

“Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Tanggapin at baguhin ang lahat? Paano ako makakasiguro na maaayos ang buhay ko? Natatakot ako sa kahihinatnan? Ngunit tila nagmamadali si Leonard? Ano bang problema n’ya?”

Patuloy si Red sa paglilinis ng silid ni Leonard. Kinuha ni Red ang trash can sa gilid ng kama. Napansin n’ya ang daming tissue na nakalagay dito.

“Ang daming tissue. Parang inubos n’ya na ang isang box. Mmmmm..”

Nagulat si Red at lahat ay may dugo ang bawat tissue.

“Dugo?” At napansin din n’ya ang ilang maliliit na bote at maliit na pakete sa trash can.

“Eng? nagda-drugs ba ang mokong na ‘yon?” Patuloy si Red sa pagliligpit.

Nakita ni Red na may nakasulat sa kalendaryo..

VISIT DR. ALFRED SEBASTIAN....

VISIT SEBASTIAN GENERAL HOSPITAL..

VISIT OWEN CLARENTE...

“Kilala n’ya si Owen Clarente?” Bulong ni Red.

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------

AN : DAPAT BANG TANGGAPIN NI RED ANG OFFER NI LEONARD O HINDI?

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon