Chap. 33
AN : Alamin muna natin ang mangyayari sa buhay ni Red..ilalabas ko ang ilang eksena kina Blue or Gaston. Gustuhin ko man agad mabuo ang story ni Leonard at Red..hindi kakayanin ng power ko..basta ABANGAN NA LANG!
Sa Australia...Isang malaking handaan ang inihanda ni Gaston para sa unang kaarawan ni Viola. Lahat ay nagsasaya at pinupuri si Viola. Dinaluhan ito ng mga kaibigang matalik ni Gaston. At mga kakilala sa negosyo.
“Happy Birthday Viola!”
“Yeheyyy!!”
Tuwang tuwa naman ang batang si Viola sa mga taong nakapaligid sa kanya. Lalong lalo na sa taong kumakalong sa bata...si Gaston. Nasa tabi ni Gaston si Chai.
“Gaston, malihim ka talaga sa amin. Hindi namin akalain may anak kana pala at asawa.”
“Oo nga naman. At ang ganda ganda pa ni Viola.”
“Maganda kasi ang ina n’ya kaya..maganda rin s’ya.” Ang sabi ng isang babae. Habang nakatitig kay Chai. Sabay lingon naman ng mga kasama nito. Samanantala, nanatiling tahimik si Gaston ngunit napapangiti ng lihim. Habang wala namang kamuwang muwang si Chai na s’ya ang pinaniniwalaang ina ni Viola.
Sa mga taong nakapaligid sa kanila inaakalang anak ni Gaston ang batang nasa kanyang mga bisig. Panay ngiti naman ni Chai sa mga taong bumabati sa bata.
“Mrs. Caspian, your daughter is so pretty. She looks like you.” Sabi ng isang Australiana.
Napakunot ang noo ni Chai.
“Actually, she’s not my...” Sagot ni Chai ngunit...
“Excuse me..Chai, I think Viola needs to drink her milk.” Nakatitig na diretso si Gaston sa mga mata ni Chai. Napakagat ng labi si Chai. Gusto n’yang magsalita ngunit hindi n’ya kayang sabihin sa harap ng babae habang nasa tabi n’ya si Gaston. Ibinigay ni Gaston ang bata kay Chai.
Dahan dahang umalis si Chai habang hinarap ni Gaston ang Australiana.
“Ane be yen! Ako tuloy ang napagkamalang mader! NoseBleed.”
Narinig ni Laida ang mga sinabi ni Chai.
“Chai, pasensya ka na kay Gaston. Maging ako ay hindi ko alam kung anong nasa isip n’ya.”
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...