Chap. 14

4.9K 154 0
                                    

Chap. 14

Sa pamamahay ni Blue, naging abala sina Red at Oliver sa pag-aasikaso at paglilinis ng bahay.

“Nakakainis naman ‘tong si Blue..ni hindi man lang n’ya sinabi sa akin na darating ang kanyang ina. E di sana noong isang araw pa ako naglinis ng todo todo dito sa bahay na ‘to.”

Nakangusong sinabi ni Red, habang nagpupunas ng salamin sa bintana.

“Naku Ateng, kinakabahan ako sa pag-uwi ng ina ni Sir Blue. Hindi ka ba natatakot Ateng? Alam naman nating mata pobre ang kanyang ina. Tsaka, nakapaka istrikta pagdating sa mga katulong. Noon pa man, wala nang tumatagal dito. Tanging si Nanay na lang ang natitirang katiwala nila dito. Pero heto, ipinasa sa mga byuti natin ang DUTY ni Nanay. Hindi ko keribels kung nandito ang ina ni Sir Blue.”

Napakagat ng labi si Red. Napapaisip s’ya sa kanilang relasyon ni Blue.

“Oliver, nag-aalala rin ako. Iniisip ko ang relasyon namin ni Blue. Gusto ko munang maging lihim ang lahat. Ayaw kong may makaalam sa relasyon namin. Kahit nga kay Nanay gusto kong ilihim.”

“Ang tanong.. si Sir Blue kaya makakapigil kaya?”

“Kakausapin ko s’ya.”

“Ateng, ito lang masasabi ko sa ‘yo..mag-iingat ka. Pumasok ka sa relasyong ito..DAPAT HANDA KA SA ANO MANG MANGYAYARI. WISH KO LANG HINDI KA MAGING LUHAAN.”

Napangiti si Red.

BEEEEP BEEEEP BEEEEP

“Ay ayan na!” Nagmadaling lumabas si Oliver at binuksan ang gate.

Pagpasok palang ng kotse dumungaw agad sa bintana ang ina ni Blue.

Pinagbuksan ni Blue ang ina at si Claudine.

Parang nakakita ng multo si Oliver nang makita ang babaeng kasama ng ina ni Blue.

“Patay! Ba’t kasama ng ina ni Sir Blue ang bruhang ito?” Lihim na tanong ni Oliver.

“Oliver, paki pasok naman ng mga gamit nina Mama sa loob. By the way, naaalala mo ba si Claudine?” Tanong ni Blue kay Oliver.

“Ah..eh..Oo naman. Sinong makakalimot sa kanya..ALA MALADYOSA ANG GANDA.” Sabay ngumiti ng pilit si Oliver.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon