Chap. 18

4.4K 137 4
                                    

Chap. 18

Kunot ang noo ni Claudine nang bumalik sa bahay nina Blue. Hindi parin s’ya makapaniwala na ganun ang sasabihin sa kanya ni Gaston. Kailangan n’ya ng isang makakasama upang mapigilan sina Red at Blue. Ngunit sino?

Nang matapos nilang kumain ng pananghalian..

“Red ikaw na muna ang bahala dito sa loob ng bahay..babalik din agad ako.” Sabi ni Blue sa dalaga.

“Opo.”

“At tsaka nga pala, dito ka na lang matulog. Mas nakabubuting may tao dito sa loob ng bahay.”

-Imelda

“Ah..eh..si Oliver na lang ho ang patutulugin ko dito. Kasi may mga trabaho pa po kasi ako sa bahay eh.”

“Nagpupulot ka parin ng basura hanggang ngayon? Sana naman balang araw makakapulot ka ng GINTO SA BASURAHAN.”

-Claudine

Biglang kumunot ang mga noo ni Red. Agad tinapunan ng masamang titig si Claudine.

“Bruha!” Galit na galit si Red. Ikinikimkim na lang n’ya sa dibdib.

“Mabuti pang sumakay na tayo. At nang makaalis na agad.”

-Imelda

Naunang lumabas sina Imelda at Claudine. Habang si Blue naman ay may kinakausap sa cell phone nito. Nang mapalingon si Blue na lumabas na ang dalawang babae agad lumapit kay Red at...

TSUP!

“Babalik agad ako..mag-iingat ka dito..I love you, Babe.” Bulong nito.

“I love you, Mahal.” Napangiti naman si Blue sa sinabi ni Red.

“Isa pa nga ulit...”

“I love you, Mahal..” Muling inulit ni Red. Niyakap ni Blue at hinalikan ang noo nito at nagpaalam.

 "Mag-iingat ka." Bilin ni Red.

-----------------------------------------------

Nang makaalis na ang sasakyan nina Blue hindi nila napuna ang kotse na nakaparada sa unahan. Dumating si Gaston.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon