Chap. 35
AN : RUSH ITO..PASENSYA NA.
Tuwing mag-isa lamang si Red sa loob ng bahay, hindi n’ya maiwasang maalala ang dating kinagisnang buhay. Hindi n’ya maiwasang mapaluha..lalo na’t nakikita n’ya ang mga kuko na dati rati ay nangingitim sa pagpupulot ng maruruming basura.
“Ang tagal na panahon ang ginugol ko sa pagpupulot ng basura. Kinalimutan ko ang sarili ko para lang may maibili ng pagkain namin sa araw-araw. Hindi ko na mabilang ang hirap na dinanas ko. Bakit ba ang hirap para sa akin ang guminhawa? Bakit ‘yong mga bagay na sana ikaliligaya ko..nawawala? Iniiwan ako. ANG MALAS KO TALAGA.”
Pinunasan ni Red ang kanyang mga luha. Naisipan n’yang pumunta ng likod bahay. Nakita n’ya ang mga bote, karton at bakal..niligpit n’ya ang mga ‘yon at inilagay sa mga sako. Naisipan n’yang ilabas ang lahat ng ‘yon. Nakatatlong sako si Red sa mga naipong basura. Pinawisan s’ya ng husto sa paghakot na mailabas ang lahat. Mabuti na lang at dumating na si Leonard.
BEEEEPPP BEEEEPPPP
Huminto ang sasakyan ni Leonard sa harap ng bahay. Hindi agad ito pumasok.
“Red, ano ang mga ito?”
“Basura. Inipon ko. Leonard pwede mo ba akong samahan na ibenta ang mga ‘yan? Sayang naman, magkakapera pa tayo d’yan.”
“Magkakapera? Eh, ikaw lang naman ang kikita n’yan. Hindi ako.”
“Eh, di hati tayo.”
Natawa si Leonard at umiling.
“Ikaw talaga mahilig ka paring humanap ng raket.”
“Eh, sayang naman. Alam mo, makapagdelihensya ng kunti masaya na ako.”
“Oo na. Sige na. Hintayin mo ako dito. Kukunin ko ang pick-up truck. Dalhin natin ‘yan doon sa kakilala ko.”
Nag-thumbs up sign si Red. Ipinasok ni Leonard ang kotse sa garahe. At muling inilabas ang pick-up truck na gagamitin.
Tinulungan pa ni Leonard na ilagay sa truck ang mga basura.
Ilang sandali narating na nila ang isang junk yard. Kinausap ni Leonard ang taong nagmamay-ari doon.
Nang bumalik ito may kasamang dalawang lalaki at pinagtulungang kunin ang mga basura. Inaabot kay Red ang pera.

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomansaIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...