Chap. 2
Kumain sina Red at ang dalawang pinsan nito. Pagkatapos, ay tumayo si Red upang pumunta sa kabilang bahay. Napapaisip s’ya sa nakita nila kanina sa daan. Umiiling si Red..ayaw n’yang maalala ang eksena sa loob ng kotse.
“Teka bakit ko iniisip ang nakita ko? Sigurado akong namukhaan ako ni Sir Blue kanina. Ako ang nahihiya kanina sa nakita ko...ENG! Dapat nga, si Sir Blue ang mahiya sa akin. Nakita ng dalawang mata ko eh..Mahihiya kaya si Sir Blue pagnakita ako? Kapal ng peg n’ya kung ganun. Sabagay, s’ya ang tipo ng tao na walang pakialam sa mundo. Hindi na uso sa kanya ang salitang HIYA. Tsk! Tsk!”
Bago pa man nakalabas si Red ng bahay, pinigilan ni Oliver ang pinsan..
“Hoy, Red. Pupunta ka doon sa bahay ni Sir Blue..mag-iingat ka. Alalahanin mo, MUJER ka parin at hindi HOMBRE. Alam mo naman, matinik si Sir Blue sa mga MUJER.”
( Mujer – means Babae Hombre – means Lalalki )
“Ha ha ha ha...hindi ‘yon papatol sa tulad ko..sa AMOY KO PALANG PATAY NA S’YA! SIGURADO AKONG HINDI S’YA LALABAS SA KANYANG SILID..EH AMOY BAKAL AKO. ‘Yong mga tipo n’ya amoy ROSAS.”
“Kahit na...mabuti nang nakasiguro ka..Ay! napalitan mo na ba ang PANTY MO..Yong customize panty mo na merong MOUSE TRAP? Ha ha ha ha..safety first si PUSSY CAT baka madali ni ANGRY BIRD.”
“Gaga! ha ha ha ha...relate na relate ko ang mga words mo BAYOT!”
Sabay nag-hi –five ang dalawa. Tuloyang umalis si Red.
Nang nasa tapat na s’ya ng gate. May dala s’yang susi at binuksan nito ang pinto. Tuloy pumasok sa loob si Red. Tahimik ang buong kabahayan. Mag-isa lamang si Blue nakatira sa loob ng bahay. At madalas wala sa bahay. Kaya hindi kumuha si Blue ng full time na katulong..kundi pansamantalang katulong lamang ang kinuha n’ya..At ‘yon ay ang tiyahin ni Red..si Aling Meding.
“Sir...Sir Blue...” Mahinang tawag ni Red. Habang dahan dahang pumapasok sa sala ng bahay..
Inisip ni Red na siguradong tulog pa ang may-ari ng bahay. Kaya dahan dahan s’yang pumunta sa isang maliit na silid at kinuha ang mga kakailanganin sa paglilinis.
“First, magvacuum...second magpupunas..third liligpitin ang mga damit na paplantsahin habang pinapaikot ang washing machine...magsasampay at pag may natirang oras paglulutuan si Sir. Wow, parang full time tsimay ako nito.” Bulong ni Red.
Umakyat si Red sa pangalawang palapag ng bahay. Ngunit naisipan n’yang..

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...