Chap. 28

4.1K 140 9
                                        

Chap. 28

AN : Bilisan ko ang mga pangyayari. Focus muna tayo sa buhay ni Red. Pasensya na WALANG EDIT ITO.

Maagang aalis si Gaston upang bumalik ng Santa Catalina. Bago pa man ito umalis ay kinausap nito si Red.

 “Red, alam kong hindi mo ako mapapatawad sa aking nagawa. Pero sana, h’wag mo akong pagbawalan na mag-abot ng tulong sa inyo. Lalong lalo na sa pamangkin ko.”

Mababang boses ang narinig ni Red mula kay Gaston. Nagdadalawang isip si Red kung ano ang isasagot.

 “Gaston, alam kong magkadugo kayo ng anak ko. Alam kong malaki ang naging kasalanan mo sa akin at sa ‘yong pamangkin. Kung maari h’wag ka na munang magpapakita sa akin. Hindi ko parin matatanggap ang ano mang tulong na galing sa ‘yo.”

  

“H’wag mong pairalin ang PRIDE mo.”

Umiling si Red.

“Sige hindi kita masisisi. Nauunawaan kita. Pero nandito lang ako..maghihintay sa inyo.”

Tumalikod si Gaston at nagpaalam sa mga pinsan at tiyahin ni Red.

 “Nay Meding. Alam kong narinig ninyo ang sagutan namin ni Red kagabi. Ngayon malinaw na sa inyo ang tunay na nangyari. Sana patawarin ninyo ako sa aking nagawa. Handa kong pagbayaran ang lahat. Gagawa ako ng paraan na maayos ito.”

 “Gaston, hindi ko alam kung magagalit ako sa iyo..Anak, hayaan muna natin si Red na magdesisyon ng sarili n’ya. Daladala ni Red ang sakit na sinapit n’ya kay Blue. At kahit aminin mo kay Blue ang totoo..tapos na ang lahat. Ayaw naming magkaroon pa ng kaugnayan sa inyo.”

 “Nay pamangkin ko ang bata. Nagkasala rin ako sa bata. Kahit man lang maliit na tulong tanggapin ninyo.”

 “Gaston, sisikapin naming mapaayos ang buhay ng bata. Hindi mawawala sa kanya ang totoong pinagmulan n’ya. Na isa s’yang Caspian.”

 May namuong luha sa gilid ng mga mata ni Gaston.

 “Nay, aalis na ako. Ano man ang kailangan ninyo. Alam n’yo kung saan ako mahahanap.” Tuluyang umalis si Gaston.

UHAAAA UHAAAAAA.....

 Narinig pa ni Gaston ang pag-iyak ng bata. Lalong nararamdaman n’ya ang konsenya na bumabalot sa kanyang dibdib.

“Baby, gagawa ako ng paraan na mapagbayaran ko ang maling ginawa ko. I promise.”

Madaling pinaharurot ni Gaston ang kanyang sasakyan.

 ------------------------------------------------------------------------

 Sa kabilang dako, mula nang malaman ni Blue ang kasinungalingan ni Claudine sa kanya; mas lalong lumalayo ang kanyang loob sa asawa. Madalas s’yang umiiwas. Madalas gabi na kong umuuwi. At lalong lumamig ang pakikitungo kay Claudine.

The Woman THEY LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon