EPILOGUE
Muling nabaling ang tingin ni Blue nang magsalita si Pancho..
“Pare, anong nangyari sa ‘yo? Kanina ka pa nakatingin doon sa kabilang mesa.”
“Ahmm..masama bang tumingin sa paligid?”
“Blue, nakikita ko ang direksyon ng mga mata mo doon sa kabilang mesa. Type mo yata ‘yong nakapulang babae.”
Kumunot ang noo ni Blue. At umiling.
“Naku, lumang tugtugin na ‘yan Blue. Ikaw pa? Eh, kilalang kilala na namin ang hasang mo sa leeg.” Biro ni Clyde.
“Oo na, panalo na kayo. Tigilan n’yo na nga ako.Tsk.”
Matapos nilang kumain naisipan nilang dalahin si Blue sa isang Jazz bar.
“Pare, hindi ka pwedeng uminum ng alak o beer. Kaya pagtyagaan mo na lang ang juice. Mahirap na, hindi na natin mahahagilap ‘yong kamatch mo kung sakali. We love you dude; we care for you.” Sabay akbay nina Pancho sa kaibigan.
“Talaga lang ha, concern kayo sa health ko. Touch naman ako sa inyo.” Hirit ni Blue.
Sabay tawanan ng mga kaibigan.
“Syempre, mahirap na. Eh kung bumalik yong sakit mo. Mahihirapan tayong hanapin ang donor mo.” Dagdag ni Clyde.
“Oo nga. By the way, mabuti nalang mabait si Red at pinagpatuloy n’ya ang pagtulong sa ‘yo.” Ang sabi ni Pancho.
“Ano? Anong pinagsasabi mo?”
Nagkatinginan ang dalawang kaibigan ni Blue.
“Wala kang alam hanggang ngayon..” Tila nagulat ang dalawa sa reaksyon ni Blue.
“Anong hindi alam?” Napakunot ng noo si Blue.
“Si..Red ang donor mo.” - Pancho
“But she refused to help me. Kaya nga humanap ng ibang kamatch ang doktor ko para sa akin.” Pinagdiinang sinabi ni Blue.
Umiling ang dalawa...
“Blue, si Red parin ang tumulong sa ‘yo.” Sabay nasabi ng dalawa.
Napapikit ng mata si Blue..
“Paano n’yo nalaman?”
FLASHBACK
Kaaalis pa lamang ni Blue noon papuntang Amerika; nang makita nila si Howard Bermudez sa isang Bar. Naging malapit narin si Howard sa mga kaibigan ni Blue. Naisipang makipag-inuman sina Pancho at Clyde sa doktor..Hindi nila maiwasang hindi mapag-usapan si Blue. Dala ng pagkalasing ni Howard..
“Ito lang masasabi ko sa inyo..Malaki ang porsyento ng pagiging kamatch ni Red kay Blue..Wala na akong panahon na hanapan pa ng ibang kamatch si Blue, kaya pinakiusapan ko si Red..Alam kong magmamatigas si Red..pero sa likod ng lahat ng ‘yon..Alam kong mahal n'ya si Blue. At batid din 'yon ni Leonard. Hindi mawawala 'yon. ’Yon nga lang ayaw n’yang aminin. Kinakain s’ya ng pride n’ya. Mabuti nalang at nandyan ‘yong bata..’yon ang naging konsenya ni Red. KAYA NAPAGDESISYONAN N’YANG TULUNGAN SI BLUE. SI RED PARIN ANG NAGING DONOR N’YA. PINANIWALA LANG NAMIN NA MAY BAGONG DONOR SI BLUE NOON; DAHIL AYAW NI RED NA MALAMAN PA. TSAKA, UMIIWAS SI RED NA LUMAKI ANG ISYU SA KANILANG DALAWA. GAYUNG KASAL SI BLUE KAY CLAUDINE.”
Hindi makapaniwala si Blue sa naging salaysay ng mga kaibigan. Ngayon nagbago na ang lahat; may dahilan na upang ipagpatuloy nila ang kanilang naputol na nakaraan ni Red. Nakadama si Blue ng panibagong buhay sa sarili. At handa s’yang magsimula ulit sa sandaling matagpuan n’ya ang ina ng kanyang anak.

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...