Chap. 8

6.6K 207 8
                                    

AN : WALANG EDIT


Isang malakas na sampal ang agad na tumama sa mukha ni Blue.

PAK

"Lumalampas ka sa pinag usapan natin, Blue. Ayaw ko na!" Sabay tadyak ni Red sa paa ni Blue.

Awww!!

Nagmadaling umalis si Red habang paika-ika si Blue sa sakit ng paa.

"Red! Bumalik ka dito!"

Walang narinig si Red mistula sarado ang utak n'ya sa ginawa ng binata sa kanya.

Nasa bungad palang ng kanilang bahay si Red sinalubong s'ya ni Oliver..

"Ateng! Dali meron akong sasabihin sa 'yo...bilis!!!"

Muling natauhan si Red.

"Ano na naman?"

"Ateng, halika ka nga..maghilamos ka. Tapos aayusan kita." - Oliver

"Bakit naman?"

"Ateng, alam mo ba may kakilala akong Painter..naghahanap ng modelo. Magbibigay s'ya ng malaking halaga kung gusto mong maging model para sa gagawin n'yang painting."

"Ako, susubukan kong maging model?"

"Oo, Ateng. Alalahanin mo 10k ang bibigay sa 'yo. "

"Eh, anong klaseng painting naman 'yon?"

"Ateng...FIGURE PAINTING."

"Sira ulo ka ba? Ayaw ko."

"Ateng, 10k ang nakataya dito. Sayang naman. Eh, kung ako nga lang papayag eh. Walang masama. Art ang pinag-uusapan dito. "

Napaisip si Red.

"Sige. Papayag ako. Mabuti narin at may pambili tayo ng gamot ni Nanay."

Pumalakpak pa si Oliver sa naging desisyon ni Red.

"Mabuti naman at may raket agad ako..ayaw ko nang bumalik kay Blue." Ang sabi ni Red sa sarili.

Oras ng kanilang pagtulog hindi maipikit ni Red ang kanyang mga mata..Tumatakbo sa kanyang isipan ang halikan nila ni Blue.

"Anak ng tipaklong! Bwisit talaga...hindi ako pinapatulog ng mokong na 'yon. Hayyyssss! Nararamdaman ko parin ang halik ng gagong 'yon. BWISITTTT!"

Napapagalaw si Red ng husto.

"Ateng...patulugin mo naman ako..kanina ka pa galaw ng galaw. Pagod ang byuti ko." Ang sabi ni Chai.

Gustong gusto sabihin ni Red ang bumabagabag sa kanyang isipan ngunit nahihiya s'ya.

"Sorry." Nakasimangot si Red at tumagilid na lamang.

-----------------------------------------------

Madaling araw...

Nakaramdam si Blue nang pagbukas ng pinto ng kanyang silid habang s'ya ay nakahiga sa kanyang kama. Lihim s'yang napapangiti..alam n'yang dumating na si Red. Mabilis s'yang humarap at hinawakan ang kamay ng taong dumating..

"Red.."

"Hoy, Blue hindi darating si Red. Masama ang pakiramdam. Kaya ako na lang ang muna ang pumunta dito."

Napakunot ng noo si Blue..Mabuti nalang at hindi s'ya ngumuso para sa isang halik dahil si Aling Meding ang dumating.

Gustong matawa ni Blue sa kanyang sarili..tinakpan n'ya ang kanyang mukha ng unan..At nang makalabas ang matanda sa kanyang silid..

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon