Chap. 31
Sa Amerika, hindi mapakali si Blue sa balitang natanggap mula kay Gray. Mas lalong umiigting ang galit nito sa kanyang asawa, ina at maging kay Gaston. Ilang araw na s’yang hindi nakakaisip ng matino.
“Pinagkaisahan nila kami...PINAGKAISAHAN NILA KAMI!!!!” Sigaw ni Blue sa loob ng kanyang opisina.
Itinapon lahat ni Blue ang mga gamit na nakalagay sa kanyang mesa. Dahil sa kanyang ginawa ay pumasok ang kanyang sekretarya.
“Sir, is there any problem?” Tanong ng sekretarya ni Blue na halatang natatakot.
Hindi nagsalita si Blue. Bagkus tumayo ito sa kanyang upuan at kinuha ang susi ng kanyang kotse.
“Sir, you have a meeting with...” Agad na sinabi ng sekretarya dahil alam nitong aalis si Blue.
“Cancel the meeting.” Parang wala sa sarili si Blue na sinabi sa sekretarya.
“We have our new clients tomorrow..and they want to see our new pearls..” Pahabol ng sekretarya.
“Please call my father. He can handle everything.” Dagdag ni Blue.
“But Sir, they want to talk to you.” Muling sinabi ng sekretarya.
“Damn! I told you to call my father.” Singhal ni Blue.
Tumalikod si Blue. Napayuko ang sekretarya.
“Yes..sir.”
Napapikit ng mga mata si Blue. Alam n’yang hindi n’ya dapat bulyawan ang kanyang tauhan. Nadadala s’ya ng kanyang matinding galit sa mga nangyayari.
Mabilis naman tinawagan ng sekretarya ang ama ni Blue.
Paalis pa lamang si Blue. Nasa parking lot s’yang nang tumawag ang kanyang ama.
(“Blue, what’s going on with you? Bakit mo kakanselahin ang meeting mo sa isang kliyente natin? Tapos ayaw mong makipagkita at makipag-usap. Gayung ikaw ang hinahanap.)
“Pa, my brain isn’t working. Ayaw mag-isip ng utak ko ngayon. So please try to understand.”

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...