Chap. 20
Ilang araw ang lumipas at nakalabas si Blue sa hospital. Nais sana ng kanyang ina na dalhin agad ang binata sa isang malaking hospital sa Santa Catalina ngunit nagmatigas si Blue at mas ninais pa nitong umuwi sa kanyang bahay.
Ayaw mang sumang ayon ng ina nito ngunit wala itong nagawa.
“Blue, I think you must stay in the hospital. I’m so worried about you.” Ang sabi ni Claudine habang pinapahiga nito si Blue sa kama. Samantala, nasa tabi naman nila sina Imelda at Red. Ramdam ni Red ang kakaibang mga titig ng dalawang babae sa kanya.
“Red, maghanda ka na ng makakain ni Blue.” Utos ni Imelda. Tumalima naman si Red.
At nang makaalis si Red ay...
“Hijo, you have to leave this place. Nang dahil sa lugar na ‘to nagkasakit ka tuloy.”
“Don’t blame the place.” Pabulong na sinabi ni Blue.
“Blue, lumalala ang sakit mo. You need an immediate treatment for your Leukemia.” Pinaggigiitan ni Claudine.
“Thank you for your concern. But I choose to stay here.”
“You want to stay here because of her.” Dagdag ng ina nito.
“ Ano bang maitutulong n’ya sa ‘yo? sa sakit mo? Ang umiyak? ” Mataray na tanong ni Claudine.
“Pwede ba lumabas na lang muna kayo. Gusto kong mapag-isa. I don’t want to argue with you. And please don’t blame her because of my illness. Walang kinalaman sa sakit ko ang lugar dito..at lalong lalo na si Red.”
Nagkatinginan na lamang ang dalawang babae. Sabay silang lumabas. Ngunit hindi mapigil ni Imelda ang sarili at agad hinanap si Red..
“Red...”
PAK PAK
“Ambisyosa!” Sigaw ni Imelda.
Napahawak si Red sa kanyang pisngi. Samantalang, natutuwa naman si Claudine sa nakitang pagsampal ng ina ni Blue kay Red.
“Putulin mo ang pakikipagrelasyon sa anak ko. Hindi sa isang katulad mo hahayaan kong matali ang anak ko. Wala kang pagkakaiba sa mga basurang pinupulot mo...Ang basura hanggang sa labas lamang. Hindi pinapasok sa loob ng pamamahay.”

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomansaIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...