Chap. 24
Pakiramdam ni Blue sumisikip ang kanyang dibdib. Napaupo s’ya sa isang tabi at napahilamos ng mukha. Napakagat s’ya ng kanyang labi. Gusto n’yang magalit..gusto n’yang sumigaw..GUSTO N’YANG SAKTAN SI GASTON.
“Red, bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit?” Gulong gulo ang isip ni Blue sa pangyayari. Hindi n’ya maiwasan na di mapaiyak. Namumuo ang galit n’ya sa dibdib lalo na’t naaalala n’ya ang mga larawang nakita. Hindi n’ya alam kung paano n’ya haharapin si Red. Tinignan n’ya ang kanyang palad..
Iniisip n’ya baka masampal n’ya si Red kung magkataong magkaharap sila..
“No..I can’t do that...I love her so much..but she..cheated on me.”Agad hinablot ni Blue at ang isang vase at lakas na tinapon sa pader.
KRASSSSS
Biglang bumukas ang pinto..dumating si Imelda. Alam ng ina ang mga pinagdaanan ng anak..
“Blue, I know it is hard for you to accept it. Kung nakinig ka lang sana sa akin..hindi ka masasaktan ng babaeng ‘yon. Don’t worry, you can move on. Ayusin mo ang buhay mo. Magpagaling ka. And live with Claudine..malilimutan mo si Red.”
“Ma...I fight for my life...I fight for her... I fight for my love..hindi ko matanggap ang lokohin nila ako ni Gaston.”
“Blue, makinig ka. She is just an ordinary girl.Wala s’yang karapatan sa ‘yo. Hayaan mo sila ni Gaston. H’wag kang mag-alala, hindi rin sila magtatagal..iiwan din s’ya ni Gaston.”
“She’s pregnant. Marahil si Gaston ang ama. Nakita sila ni Gray na magkasama galing sa hospital.”
“Ano? Oh God, this is not good. Madadagdagan na naman ng kahihiyan si Samuel nito.”
Napasandig si Blue sa dingding habang pinipikit ang mata..pilit n’ya iniwawaglit ang imahe ni Red sa kanyang isipan.
“ Ma, MAGPAPAKASAL AKO KAY CLAUDINE. TANGGAP KO NA ANG LAHAT. AYAW KONG MAGBAGO PA ANG ISIP KO. GAWIN NA NINYO ANG KASAL SA MADALING PANAHON.”
Lihim na ikinatuwa ng ina ni Blue.
-------------------------------------------------
Minabuting tinungo ni Gray ang bahay nina Red. Inabutan nito ay isang babae.
“Hi...” Bati ni Gray. Hindi naman sigurado si Gray kung sino ang babaeng inabutan sa loob ng bahay; dahil nakatalikod ito habang nagtutupi ng mga pinatuyong damit.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...