Hindi agad nakapagsalita si Red matapos marinig ang sinabi ni Blue.
“Ano magkano nga?” Muling tanong ni Blue. Tila yata nahimasmasan na ito.
“S-Sir..ano kasi..Ahmmm...h’wag n’yo nang isipin yong sinabi ko.” Napayuko si Red.
“Alam ko naman lahat ng kilos mo dapat may katapat na pera eh? Naiintindihan kita. Oh, well..here..take it.” Sabay dukot ni Blue sa kanyang bulsa at inilabas ang kanyang wallet; at inabot kay Red ang pera.
“Sir h’wag na ho. Aalis na ho ako.” Mabilis lumabas si Red sa silid ng binata.
“Red!” Rinig ni Red ang pagtawag ng lalaki. Ngunit hindi n’ya pinansin. Mabilis lumabas ng bahay si Red. Tila natataranta.
“Lintek! Kabado ako doon ah..” Napahawak si Red sa dibdib.
Nang bumalik si Red sa kanilang bahay..
“Wow, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap.” Nakapamaywang na tinanong ni Oliver si Red.
“Pumunta ako doon sa kabilang bahay. Hinatid ng dalawang lalaki si Sir Blue..lasing kasi. Pinagbuksan ko sila ng gate.” Paliwanag ni Red.
“Ha! Lasing si Sir Blue...Ateng, ibigay mo sa akin ang susi dali!!!” Biglang tili ni Oliver.
“Bakit naman?” Tanong ni Red.
“This is my chance...Pwede ko na s’yang hipuan...dali!!! I’m sure wala pa s’yang malay.” Tila kinikiliti si Oliver.
Isang malakas na batok ang ibinigay ni Red.
“Tarantado ka! Gusto mo buhusan kita ng mainit na tubig..at nang mawala ang kati kati mo sa katawan. Um!”
“Aray! Sumusobra ka na.” Singhal ni Oliver.
“Hoy, Bayot! Mahiya ka naman na reypin mo si Sir Blue. Wala ka pang ligo. Nangangamoy ang kilikili mo.” Sabay turo ni Red sa Kilikili ni Oliver. Inamoy naman ni Oliver ang kilikili nito..
“Ay, you’re telling the truth talaga. Nangangamoy na nga..Gwakkk ! Ang asim.” Sabay halakhak nito.
“Ano ba gabing gabi na ang iingay pa ninyo?” Biglang lumabas sa silid si Aling Meding.
Nagmano naman ang dalawang pamangkin nito. Iniabot nila ang perang natanggap sa kanilang pinagtrabahuan.
“Nay, okay na po ba ang pakiramdam n’yo?”
“Oo, bukas nga agahan mong pumunta kay Blue. Paglulutuan mo s’ya. May pasok s’ya sa trabaho bukas.”
“Nay, pwede po bang hindi na muna ako ang humalili sa inyo doon?” -Red
“Aba, bakit naman? Hindi pupwede si Oliver dahil may pasok sa kanyang trabaho. Si Chai naman meron namang part time job sa pagbabantay ng bata. Nakita mo namang tuwing Byernes ng gabi lamang sila nakakatulong sa ‘yo sa pag-aasikaso d’yan sa labas.”
“Eh, pupunta po ako sa probinsya. Kailangan kong tignan ‘yong palay natin.” Pagrarason ni Red.
“Naku, ako na lang. Ikaw na lang ang pumunta doon sa bahay ni Blue at paglutuan mo s’ya. ” Sabi ni Aling Meding.
“Pero ‘Nay..ano kasi..” Hindi alam ni Red kung anong sasabihin.
“Red, malaking utang na loob natin sa pamilya ni Blue. Kung hindi dahil sa mga magulang n’ya wala tayong titirahan. Mabuti na lang nga at hinayaan tayong patirahin na walang bayad dito sa bakanteng lupa nila.”

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomansaIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...